CHAPTER 2: TRANSFERY

530 22 0
                                    

CHAPTER 2: TRANSFERY

Avy's POV

"Let go of me." Madiin kong sabi sa lalaking nakabangga sa'kin.

Tinignan ko siya ng masama. Pati na rin 'yong kamay niyang nakahawak sa braso ko. Mas nakaramdam ako ng matinding pagka-inis sa kaniya dahil sa paghawak-hawak niya sa'kin.

"Sabi ng bitaw eh!" Singhal ko sa kaniya kasi hanggang ngayon ay hindi niya parin ako binibitawan.

At d'on ko na napansin na may iilang estudyante na palang nakapalibot at nakiki-chismis. Pawang mga nag-tataka kung ano ang mayroon sa aming eksena.

Kahit kailan talaga! Arghhh!

Hindi siya sumagot. Ngumisi siya at 'yong ngisi niya ay sobrang nakaka-insulto. Feel ko na lang manuntok ng taong kagaya niya sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Hoi! Alam mo, kung wala ka din namang sasabihin na importante, bitawan mo na ako at ayokong ma-late ako ng dahil sa'yo! Kaya bitaw na." Mahinahon pero may awtoridad kong sabi sa kaniya.

"Sa tingin mo, sino ka para sundin kita?" Inis niyang tanong sa'kin.

Ako si Kamatayan, kaya bitaw na at baka sundoin kita ng wala sa oras.

"At sa tingin mo rin, anong paki-alam ko?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya habang naka-smirk.

Pinipigilan ko parin ang inis at galit na nararamdaman ko. Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko ay baka masapak ko lang ang lalaking nasa harap ko, edi deritso siya sa hukay nito.

Naman kasi oh! First day palang eh may rambol na! Puwede namang bukas na lang.

"At talagang ginagalit mo ako?" Inis na tanong niya sa'kin.

"Owww? Galit ka ba? Hindi kasi ako aware eh. Tsaka wala naman akong paki-alam." Sarkastikong sabi ko na naman sa kaniya. "Here. Take this." Sabi ko sabay abot ng water bottle na nasa kabilang kamay ko. "Kung galit ka sa'kin, oh ito tubig, pritohin mo. Sana maka-helps." Nakangiting sabi ko sa kaniya tsaka hinarap sa pagmumukha niya ang water bottle ko na may lamang tubig.

Hoodlum 'to! Kala mo ah? Sige lang, magalit ka lang. Push mo yarn tehh.

Tinabig niya 'yong water bottle ko at kasabay n'on ay binawi ko din ng padabog ang braso ko at hindi naman ako nabigo. Lumayo agad ako sa kaniya ng isang metro. Lumayo ako kasi isa siyang germs.

"Bago ka umasta na kung sino, alamin mo muna kung sino ba 'yong binabangga mo." Inis niyang sabi sa'kin.

Teka! Teka! Ako? Nakabangga? Sa kaniya? Eh shungekss pala 'to eh! Sinabing hindi nga ako!

"At para saan na dapat pa kitang kilalanin? Mga pinsan ko nga, hindi ako nag-aaksaya ng oras na kilalanin, ikaw pa kaya?" Sarkastikong tanong ko ulit sa kaniya.

"No one's asking." Seryosong sabi niya.

"No one's asking, but why are you listening?" Naka-smirk ko na namang tanong sa kaniya.

THE SAVAGE PRINCESS Season 1Where stories live. Discover now