Una

31 12 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad, ang sbai kasi ni mama dapat daw maglakad lakad ako dahil palagi na lang akong nakahilata sa bahay.

Sa paglalakqd ko may nakasalubong akong isang lalaki.

Lalampasan ko na sana ito ng hawakan nito ang kamay ko at nakaramdam ako ng kuryente doon.

"Hi? anong kailangan mo?" tanong ko dito pero kumamot lang ito sa batok at sinabing

"lumayas kasi ako sa bahay namin, maaari bang makitira muna sa inyo?" nahihiyang sabi nito kaya kumunot ang noo ko

"Bkit ka lumayas?"

"Dahil gusto nila akong ipakasal sa babaeng hindi ko gusto"

Dahil sa sinagot nito, hindi ko alam kung bakit pumayag ako.

Pagkauwi ko sa bahay bunganga ni mama ang bumungad sa akin pag-uwi.

"Aba sino itong dinala mo dito sa bahay? Wala na nga tayong makain, nagdala ka pa ng palamunin" bunganga nito kaya napaikot na lang yung mata ko sa inis

"Mama pogi naman to oh, pwedeng pagkakitaan" nakangiting sabi ko dito kaya natigilan ito at tinignan mula ulo hanggang paa ang kasama ko

"Oo nga no" ngingisi-ngising sagot ni mama bago tanungin ang kasama ko "Anong pangalan mo?"

"Duke"

"Hala siya! pangalan pa lang yayamanin na!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My World Is Different To Your WorldWhere stories live. Discover now