Chapter 16: Huling Labanan

85 6 1
                                    

“S-Salamat at p-pinakawalan nyo a-ako”sabi ni Argadeo na nakangiti sa dalawa. M-malaya na –ako”

Umubo ito at huminga ng malalim.

May mga tumubo naman na nagagandahang halaman sa paligid.

“Mahal na mahal ka ni Mommy. Ikaw ang pinakamalapit sa kanya kasi magkaibigan kayong dalawa mula pagkabata. Parati kang ikinukwento ni Mommy saamin ni Daddy. Yung mga kalokuhan nyo ni Mommy noong bata pa kayo and also on how heroic you are. Mahal na mahal ka niya. Hindi kalang daw kaibigan, kundi isang kapatid.”sabi ni Sebastian kay Argadeo.

Lumuha si Argadeo at ngumiti.

“Pakisabi sa kanya na mahal na mahal ko siya, patawad sa lahat ng aking nagawa.”tinuro naman ni Argadeo ang itaas. “Ang ika-30 na bagyo, hindi titigil ang hari ng kadiliman hanggang hindi napapasakanya ang buong mundo. Patawarin niyo ako. Nilukob ang puso ko ng selos at galit. P-Pigilan nyo siya. Iligtas niyo ang C-Carmen

Kahit nahihirapan ay kinuha  nito ang kwintas na may green na bato at ibinigay kay Sebastian.

I-Ibigay mo to sa anak mo”habilin nito kay Sebastian. “I-Ituring mong regalo ko ito sayo bilang ninong mo k-kahit hindi kita nakitang l-lumaki. S-siya ang mag-giging diyosa ng mga h-halaman. S-sabihin mo sa kanya na g-gawin niya ulit na luntian ang mga b-bundok na kinalbo na ng mga t-tao na napaba-yaan ko dahil d-dito

Tumango si Sebastian. At tinanggap ang bertud nito.

Ay bongga! Yung anak ko magiging diyosa ng talon ng Kironadali habang ang anak naman ni Sebastian ay magiging diyosa ng mga halaman.

Hindi nga siguro kami magkakatuluyan ni Sebastian kapag nakaligtas kami sa misyong ito. Magkakaanak siya, magkakaanak rin ako. Wala namang nakapagsabi na anak naming dalawa. Sabi ni Amara sa kanyang isipan.

W-wasakin nyo na ang l-lugar na ito p-pag-alis nyo. M-marami pang mga m-masasamang nilalang na n-nandito

At binawian na ng buhay si Argadeo.

Pagkatapos ng kunting dasal na kanilang inalay dito ay lumipad na si Sebastian sa hangin. Syempre dala niya ang dalaga.

Lumabas sila sa butas ng barrier na nilabasan ng itim na parang tinta.

Nag-anyong sirena si Amara habang si Sebastian ay nakasunod sa kanya. Pagkaahon nila sa tubig ay nagulat sila sa nakita.

Isang napakalaking tsunami na patungo sa direksiyon ng Carmen!

“Yung Poke ball mo, Sebastian”sabi ni Amara habang nakalahad ang mga kamay.

“What?”naguguluhang tanong  ni Sebastian.

“Ikulong natin ang itim nayan sa Poke Ball. Kaluluwa naman yan ng hari ng kadiliman diba?”sabi ng dalaga.

“Ahhh..”kumuha ng Spirit Prison si Sebastian. “You mean this?”

Kinuha naman agad iyon ni Amara pagkatapos siyang turuan ni Sebastian ng kunting dasal at lumusong siya sa tubig.

Lumapit siya sa ilalim ng tsunami habang si Sebastian naman ay nakabantay sa kanya sa ibabaw ng tubig. Nang makita ni Amara ang itim na tinta ay binuksan niya ang Spirit Prison. Kumapit siya sa isang coral dahil sa lakas ng pwersa nito.

Naipasok naman sa bola ang tinta. Ngunit ang tsunami ay hindi parin humuhupa.

Anong nangyayari? Bakit hindi humuhupa ang alon?!

“Hindi nyo nayan mapipigilan. Hahahahahaha!”may boses na nagsalita mula sa loob ng spirit prison. Pinasok niya ito sa loob ng bag  at umisip ng panibagong paraan oara pigilan ang tsunami.

Peste kang squid ink ka!

“Kung akala mong magtatagumpay ka, iyan ang akala mo”lumusong paitaas si Amara.“Sebastian. Mapipigilan mo ba yan?”

“Susubukan ko”lumipad si Sebastian sa itaas ng dambuhalang tsunami.

Sinubukang hilain ni Amara ang tubig, ngunit hinang-hina na siya. Hindi na niya kaya. Dahil siguro sa pagkakahampas niya kanina.

Tumingin siya kay Sebastian sa itaas. Nakataas ang mga kamay nito at lumakas ang ihip ng hangin. Naging isang malaking ipo-ipo ang hangin at pumasok doon si Sebastian.

Dahan-dahan naman siyang lumipad pababa at hinigop ang tsunami. Inangat ni Sebastian ang ipo-ipo. Pataas ng pataas hanggang sa hinawalay niya ang tubig at hinulog muli sa dagat na parang ulan.

Ngumiti si Amara. Nagtagumpay sila! Sa wakas! Nagtagumpay sila sa kanilang misyon!

Tapos na ang delub-

Ngunit naglaho ang kanyang ngiti nang nakitang nahuhulog si Sebastian.

Hindi siya agad makagalaw.

Sebastiaaaann!!!sigaw niya.

Kaya bago pa tumama sa tubig si Sebastian ay may sumalo dito. Mabilis na lumangoy si Amara patungo doon at nakita niya si Winston habang hawak nito si Sebastian na walang malay.

“Buti nalang at galing ako sa business meeting at nadaanan ko kayo dito sa ewan ko kung saang parte ng pasipiko. Ano bang ginagawa niyo dito at naubos ang lakas nito? ” tanong ni Winston.

Ngunit nang hawakan nito ang pulso ni Sebastian ay nag-iba ang ekspresyon nito.

“Shit! Hindi ito maganda. Gagamutin ko siya! Delikado ito kapag hindi siya malunasan! Mawawala ang liwanag ng kanyang bertud dahil sa mahina niyang lakas, mamamatay siya

Umiiyak na tumango si Amara habang hawak ang kamay ng walang malay na si Sebastian.

“Sebastian. Magpagaling ka. Hihintayin kita. Sige na. Pabayaan niyo na ako dito, alam ko ang pasikot-sikot ng dagat. Iligtas mo siya Winston please”hinalikan niya ang labi ng binata bago nagmadaling umangat si Winston sa ere at dinala sa kung saan si Sebastian.

Sana ay maging okay lang ang binata. Nagamit siguro nito ng sobra ang kapangyarihan dahil sa laki ng tsunami.

Napatingin si Amara sa lawak ng karagatan. Siya na lamang ang mag-isa. Pinakiramdaman niya ang sarili.

Urghnakaramdam naman siya ng pagkahilo.

Napatingin siya sa kanyang mga sugat. Walang tigil ang pagdurugo nito. At ang ilang mga kaliskis sa buntot niya ang nawawala. Hindi ito maganda

Ubos na rin kasi ang lakas niya. Hindi niya kayang lumangoy pabalik ng Pacific Kingdom.

Ikinulong na lamang niya ang sarili sa bula dahil baka pagpyestahan siya ng mga pating.

At doon unti-unti niyang hinayaang lumubog sa ilalim ng tubig ang sarili at mawalan ng malay.

Sana ay may makakita sa kanya dito.

Tulungan niyo ako. Pakiusap.

AmaraWhere stories live. Discover now