CHAPTER 7: APPROVE OR DISAPPROVE

83 15 0
                                    

Nandito na siya sa harapan ng parents ko. Relax nga lang siya. Mukhang sanay na sanay talaga.

"Magandang hapon sir. Gusto ko sana ipagpaalam si Nami este si Naomi pala."

"At saan mo naman dadalhin ang anak ko?"

"Sir, may bibilhin sana ako at gusto ko magpatulong sa anak ninyo.Pangako , iuuwi ko siya agad."

"At anong bibilhin mo?"

"Papa, books po. Alam niyo Naman na hilig ko yun."

"Oo nga naman mahal. Hayaan mo na lumabas yang anak mo."

Seryoso pa rin nakatitig si Papa kay KL. Mahihirapan yata kami.

"Iha, ayaw ko lang na mapapahamak ka."

"I guaranteed you sir na hindi ko gagawan ng anumang ikakapahamak nitong anak ninyo."

"Pumapayag ako sa isang kondisyon. Kailangan palagi tatawag ang anak ko sa amin para hindi kami mag-isip ng hindi maganda."

Kaunti nalang papayag na ito si Papa.

"Opo sir. Okay po yun. Mga 4:00 pm uuwi ko na siya."

"Hindi. Mga alas tres nandito na ang anak ko."

"Okay sir."

Nagpaalam na ako magpapalit ng damit. Pagkababa ko, nakatitig pa rin si pApa kay KL.

"Papa, hindi po siya masamang tao."

"Tinitingnan ko lang siya para kabisado ko."

"Papa, magpapaalam na kami. Huwag kayong mag-alala uuwi ako sa sinabi niyong oras." Hinalikan ko na ito sa pisngi. At saka kay Mama rin.

Pagkalabas namin ng bahay, napabuga ng hangin si KL.

"Your dad is too protective but he is amazing."

"Only daughter ako eh, at least, hindi tayo nahirapan."

Sumakay na kami sa dala niyang kotse.

"KL, buti pinayagan kang magmaneho."

"My dad is not here. His out of country and my mom allow me."

"Swerte mo sa mommy mo pero mag-iingat pa rin tayo."

"Oo naman. You'll be safe with me." Napakaganda ng background music namin dito sa sasakyan. Kumakanta-kanta pa si KL.

"Singer ka rin?"

"Pag mag-isa. Hehe."

Narating namin ang book store mahigit 45 minutes dahil traffic. Buti walang sumita. Pagdating namin sa place ay nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako. Pagpasok namin sa bookstore namamangha ako sa dami ng books na nakahilera. This is my ultimate dream.

"Pumili ka na. At hahanapin ko din yung book na gusto ko."

"Wala akong pera eh."

"Money, no problem. Libre kita."

"Nakakahiya naman."

"No worries. Kahit Ilan gusto mo?"

Naghanap ako ng harry potter book series. Wala kasi akong collection nun dahil poor nga ako. Mga 200+ ang isang book. Hindi ko napansin nasa likod ko na pala si KL.

Be My Girl(completed but not Edited)Where stories live. Discover now