kefálaio 3

4 1 0
                                    

IAN'S POV


Masama ba ang sumunod?


Kanina pa kasi ako napagdidiskitahan nina Yowan at Jim, inuutusan nila akong gawin ang 'kung ano-ano, wala naman akong ibang magawa kundi ang sumunod. Mas maganda ng ako ang mapagdiskitahan kaysa sila.


Itong dalawang pa naman ito ang pinaka-magulo sa lahat, parehas na may saltik.
"Oh ngayon naman, sayawin mo 'yung Baepsae, dali! Gusto ko 'yon eh, favorite ko, bilis-bilis!" Ani ni Yowan, pumapalakpak pa. Siraulo.


Sumimangot naman ako, "Ano ba naman 'yang mga pinapasayaw mo."


"Ang lalaswa ng mga gusto mong sayaw Yowan! Spaghetting pababa na lang!" Suggest pa ni Jerrie, katabi ang kapatid niya. "Kuya tumigil ka nga. 'Wag kana sumali sa kanila." Ani nito, kanina pa kinokontra ang kapatid na pasaway.


"Hanggang kailan niyo ba ako balak na papahingahin?"


"Hanggang matapos ang sampung oras."


"You don't have a taste. Sayawin mo 'yung sinayaw ni Nicholas last last evaluation, bilis." Sabi ni Jimmy, nakakrus pa ang dalawang braso.


"B-Boying? Hindi ako marunong no'n."


"Walang kwenta."


"Ian hayaan mo na lang 'yan sila Yowan, umalis ka na para hindi ka mapag-tripan." Ani ni Jae, ngumiti naman ako at saka tumango.


"Sige una na ako."


"What? You're no fun! Wait! Entertain us, Ian!"


"Hoy bading! Sinong nagsabing umalis ka?!"


Narinig ko pa ang mga hinaing nila pero hindi na ako lumingon at saka dumiretso sa pwesto namin ni Johnny. Naroon siya kausap si Kuya Percy. Buti na lang, akala ko kasi naburyo na siya mag-isa ro'n. Mukhang hindi naman.


"Oh Ian, saan ka galing?" Tanong ni Johnny nang mapansin ako.


"Kila Yowan." Ani ko. Saka umupo sa tabi niya at tinanday ang bag ko sa hita ko.


"Ha? Anong ginawa mo ro'n?" Sabi niya habang inaalok sa akin ang isang junk food, umiling naman ako.


"Pinagtripan lang. Wala lang iyon. Hi Kuya Percy." Simpleng ani ko sabay bati kay Kuya Percy na kumakaway sa akin sa tabi ni Johnny.


"Hello, do you want some?" Alok niya sa akin pero umiling lang ulit ako, "No thank you. Busok pa po ako." Tumango siya at saka bumalik sa ginagawa.


"Huh? Pinagtripan?"


"Pinasayaw-sayaw ako ro'n para raw hindi sila mabored."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EpizóWhere stories live. Discover now