Chapter 3

101 67 2
                                    

“Where are you right now? You are nowhere to be found. I came from Quezon to Makati only to find you. I tried to look for you in any place that we often visited.” Paghihimutok ni Ardel Ybañez mula sa kabilang linya.

Hindi niya in-open sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa pag-alis niya. Hindi rin siya nag-paalam sa mga ito. Biglaan naman kasi ang flight niya. Now, he was in the province of South Cotabato. Kanina pa sumidhi ang inis niya maliban sa kadahilanang hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ‘yon ay bihira naman ang sasakyan na dumaan.

From General Santos City, he took a yellow bus to Koronadal City, where an elderly guy he met in the public terminal informed him that he should be boarded a van bound for Lake Sebu South Cotabato.

Habang patuloy na pinunasan niya ang napapawisang noo ay tumingin siya sa kanyang paligid. Although it was his second visit, his first was when he was ten years old, the place had now completely lost its familiarity for him.

What a ten-year-old boy recalls of his mother’s hometown after having grown to love cities?

He had no recollection of the place. His being accustomed to city life made that place rather different for him. While he was looking around, images of tall buildings, shopping centers, fast food joints, billboards, neon lights, trains, multi-lane roads, and street lights flashed through his thoughts. Now, what met his eyes are enormous trees, talahib, corn, palayan, at ang mga luntiang damo.

How on earth did he manage to survive there for a month? Ang perang ibinigay sa kanya ng Daddy niya ay sapat lang sa three weeks allowance. Kinuha kasi ng mga ito ang mga ATM niya. His Mom promised him that he only stays in his grandparents’ hometown for one month.

“Wala ka bang balak kausapin ako, Cairo?”

Napapitlag siya sa malakas na boses nito mula sa kabilang linya. Akala niya nagbaba na ito ng cellphone.

“Kung hindi lang ako pumunta sa bahay n’yo at tanungin si Mino ay hindi ko alam na pumunta ka ng South Cotabato. That province wasn’t familiar to me.” Ardel exclaimed.

Neither him. Inaamin niya na hindi siya malapit sa kamag-anak ng Mommy niya. Kasi wala siyang komunikasyon sa mga ito. Mayro’n nga pero parang once in a month lang makipag-usap ang Mommy niya sa nanay nito.

Kung si Mino ay excited na excited sa tuwing tumatawag ang lola nila ay taliwas naman iyon kay Cairo. Ayon sa Mommy niya ay wala raw signal sa Sitio Sekwel ang hometown nina Lola Tanya at Lolo Elmo ang magulang ng Mommy niya.

Bago ang flight niya ay idinitalye ng Mommy niya sa kanya ang buhay sa probinsiya lalo na sa Sitio Sekwel. Malayo raw ito sa bayan. Dapat sa paglalarawan na ng Mommy niya tungkol sa buhay sa isang Sitio ay umayaw na siya. Nagulat nga siya nang bumaba na siya ng eroplano kung bakit pumayag siya sa gusto ng Mommy niya.

Alam niyang mahihirapan siya dahil sa tanang buhay niya ay hindi siya marunong mag-adjust. Pero babalik at babalik pa rin sa isip niya ang sabi ng Mommy niya na isang buwan lang siya ro’n. This time susubukan niya ang tinatawag nilang ‘pagtitiis’ after all pagbalik niya ng Makati ay malaking reward ang naghihintay sa kanya. He was forced, and when he returned he’ll be more demanding.

“Ardel, si Tristan, kamusta?” he asked to change the subject. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Tristan kung nakalabas na ito sa hospital. It’s been one week. Gusto niyang tawagin ito noong paalis na siya ng Makati pero sa huli ay desido siyang huwag abalahin ito.

Ang natanggap niyang impormasyon mula sa kanyang Mommy ay kahit hindi naman kritikal ang kalagayan ni Tristan ay hindi raw ito gumising. Nakatulog ito nang buong araw.

“Nasa hospital pa rin. Don’t worry lalabas din ‘yon ‘pag okay na ang nabaling kamay nito.”

He heaved. “Sana nga, ‘eh.”

The Forest Dweller (Under PaperInk Imprints)Where stories live. Discover now