Prologue

601K 13.3K 952
                                    

Author's note:

kyyaahhhh XD first time ko to.. First story and was written on 2013. Expect errors since this was unedited. May pagka-jeje

*********

LEE


Kumportableng nakahiga ako sa kama. Apat na taon na ang nakalipas mula nang tumira ako dito sa Japan. I'm Monique Lee Samonte, twenty years old. I'm rich. No. I mean my parents are rich but I have my own source of money. Pera mula sa sarili kong pagsisikap. I'm a part-time model in Italy. Pumupunta lang ako doon kapag may project na nakuha para sa akin ang manager ko.


I'm somehow the black sheep of the family. Ito ang tingin ng mga magulang ko sa 'kin. Madalas akong nakikipag-away at hindi pumapasok sa klase. Ginagawa ko ito para mapilitan ang parents ko na pabalikin ako sa Pilipinas. I really miss home. I feel empty and alone here. Pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko kaya kailangan kong gawin ang lahat para makabalik sa Pilipinas. Siguro dahil marami akong iniwan sa Pilipinas na kailangan kong ayusin at tapusin.


I also miss my friends. Wala na akong balita sa kanila. Nawalan kami ng kumunikasyon nang umalis ako sa Pilipinas. Hindi ko na rin alam kung ano na ang mga itsura nila. Tiyak na marami na ang nagbago. Naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


I was there. I saw him grieving. Galit siyang tumingin sa 'kin. I can't recognize him because he was wearing a mask. Pero makikita sa ekspresyon ng mga mata niya ang galit na nararamdaman. Hindi rin niya ako nakikilala dahil sa maskarang suot ko.


It was an accident! Hindi ko sinadyang mangyari ito. Namalayan kong tumulo ang mga luha ko. Sumugod siya sa 'kin na puno ng galit. Hindi ako handa pero nagawa kong makailag sa mga suntok niya. Hindi ko na matandaan ang mga sunod na nangyari. In one blink, he was tightly grabbing my neck. Napangiwi ako habang habol ang hininga. Alam kong handa siyang patayin ako anumang oras.


I gasped. Bumalikwas ako ng bangon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog ng puso ko. It was a nightmare. A scary nightmare. Huminga ako nang malalim. Kinalma ko ang sarili. I stood up and went to the fridge to drink some water. Napanaginipan ko na naman. Isang nakaraan na ayaw ko nang balikan pero alam kong hindi ko na matatakasan. Lalo na ngayong gusto ko ng bumalik sa Pilipinas.

The Mischievous Nerdy GangsterWhere stories live. Discover now