Chapter 43

41 3 0
                                    

Autumn's POV:

Sisimulan ko na sanang tawagan si Louis Ng may biglang magsalita sa likuran namin kaya sabay din kaming napatingin Doon.






"Hindi na kailangan pre nandito na Ako," pagpigil sa akin ni Louis sa pagtangkang pagtawag ko sana sa kanya.







"Baliw ka ba?!" asik Kong pagtatanong sa kanya.







"Medyo lang bakit?" natatawa nya pang tanong at nadinig ko din Ang hagikgik ni Winter kaya napatingin din Ako sa kanya na nagpipigil Ng tawa.






"Kanina ka pa ba andyan?" pagtatanong ko sa kanya.  "Hindi ka man lang nagsasalita," dadag ko pang Sabi sa kanya.







"Hmmm... sakto lang," sagot nya pa sa akin na kunwari ay nag-iisip pa. "Sakto lang para marinig ko lahat ng pinag-uusapan nyo," dagdag nya pang Sabi Saka maglakad na papalapit sa amin.






Nagpumiglas Naman Ako sa pagkakaakbay nya.




"Tara na nga pumasok na tayo mahuhuli na Tayo ohh," Pag-aaya sa ain ni Winter Saka ipinakita Ang relo nya sa palapunsuhan.






Wala Ng ano't ano ay nagmadali na kami sa paglalakad at inihatid na si Winter sa classroom nya matapos non ay pumasok na din kami sa classroom namin at hinantay Ang una naming professor para sa Umaga ding iyon.




"Isang araw lang akong nawala pero parang Ang Dami Kong nakaligtaan pre ah..." Ayun na Naman si Louis na nagsisimula na naman. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pakikinig sa professor naming nagdi discuss sa harap.





Hindi ko na pinansin pa Ang sinasabi nya kahit na alam ko kung ano Ang tinutukoy nya.




"Tsk! Ang lalaki talagang ito malakas Ang pandama," sa isip isip ko.









Si Mr. Garcia Ang professor namin ngayon at para bang nae- enjoy nya Ang pagdi discuss.






Naisali din nya Ang usapan patungkol sa camping na magsisimula na bukas. Ang Sabi nila ay Hindi nila inaasahang na ngayon lang mase settle Ang lahat at maayos pero Hindi na rin nakakapagtaka sa mga kapwa ko estudyante Ang excitement nila.







Ang Sabi nila ay marami daw kaganapan sa camping sa loob Ng ilang Araw. Napapaisip tuloy Ako kung ano ano Ang mga iyon na para bang gusto ko nang malaman agad.




Wala Ang professor sa magkasunod naming subject at Ang panghapon Naman naming mga professor ay Wala din dahil magkakaroon daw sila Ng meeting para sa gaganaping Camping.







Ang ibang teacher ay Wala dahil inaayos na daw nila Ang ilang mga bagay at magagamit para sa camping.







"Grabe kababalik ko lang Ng klase pero eto ohh abala din Ang lahat," biglang pagsasalita ni Louis na nakalagay pa Ang dalawa nyang kamay sa ulo nya.





Nandito kami ngayon sa "Tranquil Garden". Tamang tama lang Ang pangalang ito para sa lugar na kung nasaan kami ngayon. Dito napakapayapa.






"Tranquil garden," biglang pagbanggit ni Louis sa pangalan Ng garden na ito na makikita din sa loob Ng campus namin. "Napakapaya nya at nakakawala Ng pagod Ang lahat. Magkakaroon ka talaga Ng kapayapaan sa kalooban mo. Pero kailan ko din kaya mahahanap Ang kapayapaan na katulad nito?" pagtatanong nya habang nakatingala pa din sa asul na asul na kalangitan.





When I Hate Her The Most: Autumn Alexander Conan( When Series #01) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ