Prologue

1K 37 0
                                    

Ako si Julia Cha, isang simpleng dalaga na nangarap ng mataas. Sinasabay ko ang pag-aaral ko sa pagta-trabaho, kung hindi ko 'to gagawin edi sino? Ang mama kong pipi ngunit nagtatrabaho pa rin bilang isang kasambahay, ayoko siyang mahirapan, masakit para sa akin na makitang nahihirapan ang mama ko. Kaya ko 'to, kahit mahirap kakayanin ko.

Tinutukso ako ng mga kaklase ko, paano daw ako magkakaroon ng boyfriend kung puro aral at trabaho lang ang gagawin ko. Para sa akin, may tamang lalaki na nakalaan para sa akin, dadating 'yan sa tamang oras at pagkakataon kaya hindi ko minamadali.

Pero biglang sumagi sa isip ko, paano kung dumating ang lalaking mamahalin ko sa maling pagkakataon? Maituturing ko nga ba siyang lalaki na nakalaan para sa akin kahit na mahal ko na siya?

Paano kung magkaiba kami ng kinalakihang mundo, paano ko 'to haharapin ngayong isang hamak na anak ng katulong lang ako. Ano ang mukhang maihaharap ko sa mga taong nasa paligid niya kung ang magiging kaagaw ko sa kanya ay kabilang sa mundong kinalakihan niya?

The Heirs [ChanDara Ver]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon