Chapter 12

4.1K 268 8
                                    

Sikat ng araw ang siyang nagpagising sa akin mula sa panaginip at bago pa man ako makamulat ay pumasok na sa ala-ala kong nasa kwarto ako ni Aleixis at sinamahan siya buong magdamag.

Dali dali kong iminulat ang mga mata ko at isang mukha ang bumungad sa akin.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang naramdaman ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mukha niya.

Magulo ang buhok niya at ang ilan ay humaharang sa mata niya ngunit makikita mo pa din ang mahaba niyang pilikmata at makapal na kilay.

Pansin mo din ang matangos niyang ilong at ang maninipis ngunit may kapulahan niyang labi.

Kahit bata palang ay masasabi mong isa na siyang magandang gawa ng diyos dahil sa angkin na itsura.

Hindi ko alam kung ilang segundo ko pa siya tinitigan bago bumangon pero napansin kong may mga braso na nakapulupot sa bewang ko at sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang akong namula ng malamang braso ito ni Aleixis.

Dahan dahan ko naman iyong tinanggal sa bewang ko at agad agad na bumaba ng kama at nagtatakbo palabas.

Pagkasarado ko ng pinto ay hindi ko napansin na bukas na ang mga mata ni Aleixis at may ngiti sa mga mata nito.

Buti nalang ay nakabalik ako sa kwarto bago pa man ako katukin ni Daddy.

Tinulungan ako ni Daddy na magbihis matapos kong maligo at buhat buhat niya akong isinama pagbaba.

Nakarating kami sa Dining Area at muli na namang nag init ang pisngi ko ng makita si Aleixis.

“ Princess? Are you okay? Your face is red. ” Tanong ni Daddy pero hindi ko rin alam ang isasagot ko.

Muli akong napatingin kay Aleixis at nanlaki ang mata ng lalong mag init ang pisngi ko ng makitang nakatitig din siya sa akin kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

“ Here, drink. ” Saad ni Daddy at pinainom ako ng tubig ngunit hindi pa din natatanggal ang mga mata ko kay Aleixis.

“ I think it’s better if we leave right now. ” Bulong ni Daddy kaya naman napatingin ako sa kanya at hinaplos niya naman ang ulo ko.

“ Don’t worry I’ll protect you. No one can hurt you. ” Saad niya na ikinangiti ko at kita ko namang nagugulat pa din siya.

“ L-love you. ” Saad ko at niyakap siya, niyakap niya din naman ako pabalik at hinalikan ang noo.

“ Daddy loves you more Princess. ” Saad niya.

Napatingin naman ako kay Aleixis na ngayon ay nakatingin sa kung saan.

Aalis na kami ngayon at nasisiguro kong matatagalan pa bago kami makabalik dito.

Siguro ay sapat na panahon na iyon para baguhin ang tadhanang meron siya.

Mukha namang napansin ni Aleixis ang mga tingin ko kaya tumingin din siya pero napakunogt nalang ang noo ko ng muli na namang maramdaman ang init sa pisngi ko.

“ Aleixis, is it okay for you if we leave the country now? ” Tanong ni Daddy at tumango naman si Aleixis.

“ Okay, we’ll live today. Don’t worry I’ll treat you like my own son. ” Saad ni Daddy at nginitian si Aleixis.

Napatingin naman ako kay Aleixis at nakitang titig na titig siya kay Daddy.

May emosyong dumaan sa mata niya pero hindi ko matukoy kung ano pero ang importante makakaalis siya dito at mababago ang hinaharap niya.

Mr. Villain, I Love You 🌟Where stories live. Discover now