K A B A N A T A 6

16 12 1
                                    


Leigh's point of view;

Nagising nalang ako ng maramdaman kong tinatapik ako ng pinsan ko.

"Cous... bangon na kakain tayo ng lunch nagugutom nako.."

Iminulat ko ang mata ko at tumitig sa kisame. Muling pumasok sa alaala ko ang imahe ng lalaki kanina habang basang basa sa ulanan.

Umiling kaagad ako ng maramdaman ang unti unti pag bilis ng tibok ng puso ko. Sinaway ko kaagad yon bago pa lumala.

Bumangoon na ako at bumaba na kami ng pinsan ko. Pagdating naman sa kusina ay nakahanda na doon ang pananghalian namin, 11:30 na ng tanghali , medyo nahihilo nadin ako dahil hindi kami kumain ng agahan, umuulan padin kase sa labas at madilim padin ang paligid, masarap lang matulog ng matulog pag ganito ang panahon.

Walang Tv dito sa Rest house, tanging radio lang..hindi naman daw bumili ng tv ang may ari nito dahil hindi naman ang mga ito pumupunta dito, yung radio naman ay si manang myrna ang may ari, dinala nya lang dito dahil dito sila tumutuloy.

Habang kumakain kami ay nakikinig kami sa balita. Sinabi sa balita na ngayong gabi papasok ang bagyo...Mukang hindi pa nga kami makakabalik sa manila, Malakas ang bagyo, 3 days daw yon tatama sa lupa..

Patuloy kami sa pagkain ng biglang pumasok si manong mario, nakakapote ito at basang basa ng ulan, Lumapit ito sa asawa nya at may kung anong ibinulong. Nakita ko kung pano ito nanigas sa takot, ngunit hindi nya iyon pinahalata.

Habang kumakain ay kitang kita ko kung paano nanginginig ang kamay ni manang mylene habang kumakain, pinag papawisan din ito at parang hindi mapakali.

Ng matapos kaming mananghalian ay agad kaming nilapitan ni manang mylene.

"Mga ineng.... ikandado nyo ang mga bintana sa kwarto ninyo, pati ang pinto kung maaari ikandado nyo."

"Manang mylene ano pong meron?"

Hindi nito sinagot ang pinsan ko tumalikod na ito sumunod na sa asawa nya papunta sa kwarto nila habang si manang myrna naman ay nagliligpit ng pinagkainan.

Lumapit ako dito at nagtanong.

"Manang myrna..ano hong meron."

Tumingin muna ito saakin bago bumulong.

"May papatayin yata ang kuya mario.."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Wth?!

"Nagawi yata rito yung mamamatay taong matagal ng pinag hahahanap. Labing walong tao na ang namamatay dito sa baryo namin, puro ginigilitan ng leeg. Diyos ko nangingilabot ako! Kaya mag iingat kayo ineng, wag kayong lalabas ng walang kasama lalo na sa gabi, isarado nyo lahat bago kayo matulog mamaya."

Maya maya pa ay nakita kong lumabas na si manong Mario, nanlaki ang mata ko ng makitang may dala itong shotgun, madilim ang mata nito at nangangatal sa galit. Habang nasa likod naman nito si manang mylene at parang nag mamakaawa itong wag ng tumuloy.

Muli akong napabaling kay manang myrna ng magsalita ito.

"Galit na galit ang kuya mario, gustong gusto na niyan patayin ang mamamatay tao na yon, yun kase ang pumatay sa nag iisa nilang anak ng ate mylene, nako kung ako man mamatayan ng anak eh makakapatay din ako---

Naputol ang sinasabi ni manang mylene ng makarinig kami ng dalawang malakas na putok ng baril.

Lumukob ang kaba sa dibdib ko... nanggaling yon sa likod ng bahay...tumakbo ako papunta sa pinto pero bago pa ako makalabas ay pumasok na si manong mario kasunod ang asawa nitong humahagulhol sa iyak.

Isinarado nito ang pinto at nilock.

"Mario! Bakit mo iyon ginawa! Pano kung balikan ka ng taong yon ha?! Naisip mo ba yon??! Namatay na si carlo! Ikaw na lang ang meron ako parang awa mo na...."

TAMING THE BEAST  [ongoing]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن