MS: Buntis Kaba?

1.2K 46 1
                                    

MOAV: PROLOGUE

PAGALIT NA tiningnan ni Thea si Tyron dahil naglalaro na naman ito ng video games. Pinagbawalan na niya ito sa paglalaro dahil nalaman niya na kahit na loob ng classroom ay hindi pinapalampas.

Si Tyron ang anak ni Trevior na namatay dati dahil sa kambal nito na si Tyler. Dahil sa ubod na sama nitong kakambal. Nagpapasalamat rin siya rito dahil iniligtas siya ni Trevior at sinalo ang balang para talaga sa kaniya.

Bilang pambawi ay inampon niya si Tyron at inangkin na parang sa kaniya talaga. Minahal na niya ito bilang anak. At hindi niya aakalain kung gaano kabait ang ama nito na si Trevior ay gano'n naman ka pasaway ang anak nitong si Tyron.

"Mom." Sinubukan k'unin ulit ni Tyron ang laruan nito sa kamay ni Thea.

"Isusumbong kita sa Daddy mo, sige ka," panakot ni Thea sa anak niya.

Ngunit ngisi lang ang sinagot ni Tyron habang nakatingin sa likuran niya. Agad siyang lumingon at nakita niya ang asawa niyang gulo gulo ang buhok at halatang pagod.

"Nag aaway na naman kayong mag ina." Lumapit sa kaniya si Nious at hinalikan siya bago ito bumaling kay Tyron at ginulo ang buhok ng anak.

"Ikaw ang kumausap d'yan Nious." Pagalit na sabi niya sa asawa.

"Tyron," pagbabantang tawag ni Nious sa anak.

Ngunit rinig lang niya ang tawa nito. Naramdaman niya ang mainit na yakap ni Tyron sa kaniya.

"Im Sorry Mom," bulong nito.

"Ilang taon kana ulit Tyron?" tanong ni Thea sa anak niya.

"9, Mom." sagot nito. "Look Mom, Maikli lang ang buhay dapat i-enjoy."

"Sa pamamagitan ng paglalaro ng Video Games, Tyron? Hindi ba dapat sa 'min mo ituon ang atensyon mo? Or sa pag aaral mo nalang."

"Hala si Mommy nagseselos sa video games." Pabiro niyang sinabunutan ang anak nang tumawa ito ng malakas.

"Ikaw Tyron gawin mo na ang homework mo." Tinuro niya si Tyron.

"Already done Mom." Tinaas pa nito ang dalawang kamay halatang nagyayabang.

"At ikaw," tinuro niya ang asawa. "Magbihis kana at kakain na tayo."

"Yes Honey." Humalik ulit ito sa kaniya bago umakyat para magbihis.

Tahimik lang silang kumakain. Nang matapos sila sa pagkain ay tumayo siya, inayos ang mga ginamit nila at nilagay sa lababo.

"Ako na Hon." Naramdaman niya ang mainit na hininga ng asawa sa batok niya.

"Okay." Walang pagdadalawang isip na sabi ni Thea at iniwan roon ang asawa na naghuhugas ng pinagkainan nila.

"Hindi man lang siya naging sweet? Okay talaga?" rinig niyang bulong ng asawa.

Napailing nalang si Thea at pinuntahan ang anak niyang nasa may sala nanunuod ng TV.

Naghanap siya ng pwede nilang panuorin. Tiningnan niya ng mabuti ang mga napili niya itinaas niya ang tatlong Tape. At pinakita kay Tyron.

Napatingin siya kay Nious na 'di niya napansin na natapos na pala ito sa paghuhugas.

Iba iba ang tinuro ng dalawa at dahil may isa silang hindi tinuro ito nalang ang napili niyang panuorin.

"King Kong talaga Mom?" bigong reklamo ni Tyron.

Nious Quias || #1 || COMPLETED ||Where stories live. Discover now