Chapter 2

10 3 0
                                    

Noon. 

"So, are you in? You already said no last time. I won't take it as your answer now, Sadie," sabi ni Theo sabay pitik sa noo ko. I chuckled. Tinanong niya pa ako gayong siya rin pala ang magdedesisyon.

"Ang sabi ko pag-iisipan ko pa, Theodore." My response made him sigh. First, he hates it when I or anyone else mentions his real name as I did just now. Second, a frustrated sigh as he thinks of what else he can do to persuade me.

I closed my eyes at kinapa ang laman ng ice cream freezer. Pinakiramdaman ko muna ang mga ito bago pumili ng isa at saka itinaas.

"Don't peek," babala nito. Bahagya kong idinilat ang ang mga mata at tumingin sa kaniya na ngayon ay matamang nakapokus sa akin ang tingin. His voice has an authoritative tone as if peeking is a crime for what I am doing.

I rolled my eyes at him at nakapikit na inabot sa kaniya ang nakuha. He did the same, but I didn't bother to find out what he got. Nauna itong maglakad at tinungo ang counter para bayaran ang mga iyon habang ako naman ay sinisipat ang mga bagong stock ng snacks sa aisle na pinakamalapit doon. I've never heard of these flavors before. Walang ganitong flavor nang huling beses na pumunta kami rito. I might try them once, mukha namang masarap.

"Sadie," pagtawag niya sa akin, "anything else?" tanong nito nang mapansin na nasa section pa rin ako ng snacks. Umiling ako at saka narinig ang pagtunog ng cash register matapos i-total ng cashier ang dalawang cup ng ice cream. Pagkatapos bayaran ay nauna na itong maglakad. He stood and waited for me at the shop's entrance, opening it for me with his right hand while the other held the paper bag of ice creams.

"So, what did I get?" tanong ko sa kaniya paglabas ng convenience store. I was referring to the flavor of the ice cream we picked. We've been doing this for a long time, picking flavors randomly without looking. I remember years ago that the reason was that we could try all of the new flavors. It was tricky for us to choose, so we did the random pick thingy. But, now that we've tried all of the tastes, I'm not sure why we're still acting like kids doing it. Marahil ay nasanay na rin kami.

Inabot niya sa akin ang Oreo na flavor ng ice cream. I groaned. "Iyan na naman?" Tamad kong inabot iyon mula sa kamay niya. I am not a fan of this flavor. Nakasimangot ko itong hinarap. "Ikaw, anong flavor ng sa 'yo?"

"Oh, sorry! Akin 'yan. Rocky Road ang sa 'yo," aniya at pinagpalit ang hawak namin. Tinapon niya sa naraanan na basurahan ang paperbag na walang laman.

We walked at a quick pace, nauna na kasi sa labas ang tatlo naming kasama. Nang hagilapin ng paningin ko ay nasa sasakyan na ang mga ito at sinisenyasan kami na pumunta na roon.

"Ang dalas mong napagpapalit ang flavor ng sa atin. Sometimes I think sinasabi mo lang 'yan para Oreo ang sa 'yo, e," saad ko at mas nilakihan ang hakbang upang makasabay siya sa paglalakad. This guy is definitely tall. Mahahaba ang mga bias kaya malalaki ang bawat hakbang. Minsan tuloy hindi ko ito maabutan, lalo na't kapag ang bilis niyang maglakad tulad ngayon.

"Hindi, ah! What do I think I am, a dummkopf?"

"Malay mo naman." Binuksan ko ang ice cream na hawak.

"You like Rocky Road and I like Oreo. Pabor pa nga sa ating dalawa. Kung magreklamo ka parang lugi ka."

Huminto ako at kunwa'y inisip ang sinabi nito. Napahinto rin siya at hinarap ako habang binubuksan ang ice cream niya.

Nawala sa aking isip ang dapat ay sasabihin ko rito nang panoorin ko kung paano dumako ang ice-cream spoon sa kaniyang labi nang isubo niya ang laman nito. It is one of my favorite things about him, his lips. Natural na mapula-pula ang mga iyon at kahit kailan ay hindi ko nakitang naging tuyo. They are naturally soft and moistened.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Reframed Destiny Where stories live. Discover now