Prologue

14.6K 421 23
                                    

Mula sa entabladong kinaluluhuran ko ay kitang kita ko ang galit ng mga tao. Kitang kita ko sa mga mata nila ang kagustuhan na tuluyan nang humiwalay ang ulo ko sa aking katawan.

Hindi ko akalain na ang isang masayahin at magiliw na bata ay lumaking ako at naging ganito ang kinalabasan ko mula sa baluktot na mga pangyayari.

Gusto ko lang naman makuha yung isang bagay na gusto ko at iyon ay ang pagmamahal. Pagmamahal na ipinagkait sa akin ng mundo.

Pagmamahal na labis kong inaasam pero walang kasing lupit ang tadhana dahil ang gawa kong walang kamuwang muwang sa mundo ay pinalasap ng mapait na kapalaran.

Mula sa malayo ay tanaw ko ang tinatawag nilang pamilya ko, ngunit galit at poot lamang ang tanging nasa mata nila habang nakatingin sa akin.

Ang pamilyang minsang nagpadamdam ng init ng pagmamahal ngunit mula noon ay walang ibang pinaramdam kundi lamig at dilim sa pagkatao ko hanggang sa mapadapo ang mga mata ko sa kanya.

Dumating lang siya ngunit nagbago na ang lahat lahat sa isang kisap mata. Dumating lang siya ay nawala ang lahat ng meron ako hanggang sa mapadpad iyon sa lalaking nasa itaas. Nakasuot ng maharlikang uniporme na gawa sa ginto at dyamante.

Malamig na nakatutok sa akin ang kanyang madidilim na mata at gaya ng ibang naririto ay nais na din niya akong mawala, maliban nalang siguro na mas malaki ang kagustuhan niyang mawala ako lalo na at ang pinakaapektado dito ay ang babaeng pinakamamahal niya.

Napatingin ako sa kalangitan na unti unti nang nagdidilim at alam kong malapit nang matapos ang oras ko dahil sa paglitaw ng mga tala sa kalangitan ay ang siyang paggalaw ng espadang nakatutok sa leeg ko.

Sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko, alam kong miski buhay ko ang hindi sapat na kabayaran ngunit sana maibsan nito ang mga pagkakamaling nagawa ko habang nabubuhay sa mundong ibabaw at sa lahat ng mga nasaktan ko, sana mapatawad niyo ako.

Magkita nalang tayo sa kabilang buhay.

Paalam…

REBIRTH of the VILLAINESS🌟Where stories live. Discover now