-ASHIANNA RAILEY
Halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa sinabi ni Penelope. Paano kung totoo nga na bampira ang pumatay sa mga kaklase ko? Sino na naman ang sunod nʼyang papatayin? Anong klaseng nilalang ʼyong nakita ko kagabi? Sigurado ako na hindi ako namamalikmata sa aking nakita. Bampira ba talaga ʼyon? May nag-e-exist na bampire sa Pilipinas?
Mabilis akong lumabas sa aming bahay at hinabol naman ako ni insan. “Hey! Sabay na tayo! Hintayin mo ako!” sigaw nʼya at tumakbo palapit sa akin.
Nakasuot na rin sʼya ng kaniyang uniform. “Kanina ka pa tinatawag ni Tita pero hindi ka man lang lumingon kaya pina-abot nʼya sa ʼyo itong lunchbox mo. May problema ka ba kina Tita? Tungkol ba ito sa narinig ko kagabi?” tanong sa akin ni insan habang sabay kaming naglalakad.
Natahimik ako sa naging tanong nʼya. “Alam mo, hʼwag mong pabayaan ang pamilya mo at patawarin mo na sila. Hindi naman nila sinasadya ang ginawa nila, pero wala na silang magagawa. Pero, nasa ʼyo pa rin ang desisyon kung hahayaan mo silang makulong o papayag ka. Its your choice,” payo sa akin ni insan at tinapik ang aking balikat.
“Siguro kailangan ko muna mag-isip ng matagal. By the way, alam mo ba ʼyong binabalita ngayon tungkol sa mga babaeng natatagpuang patay sa ilog?” tanong ko habang nakatingin sa daan.
Bawat nadadaanan namin ay may ginagawa. May ilan din na nag-uusap, may ilan na nagbabasa ng dyaryo. “Oo naman, kalat kaya ito sa social media lalo na sa facebook. Kaya ikaw mag-iingat ka dahil halos lahat ng biktima ay galing sa school nʼyo. Naitindihan mo ba?” tanong nʼya at tumango ako sa kanya.
“Oo naman, mag-iingat ako.”
Malapit na pala ako makarating sa paaralan ko dahil mas nauuna ito kaysa sa kanya. “Tandaan mo ito, mag-iingat ka. Magkita na lang tayo sa bahay.” Paalam sa akin ni insan at kumaway habang naglalakad na sʼya palayo.
Kumaway na rin ako sa kaniya at pumasok sa gate. Mabuti na lang at hindi ko nakakalimutan ʼyong ID ko. No ID, no entry sa school namin. Habang naglalakad ako ay naririnig ko pa rin ʼyong issue.
Bawat nadadaanan ko ay napapatingin sa akin.
“ʼDi ba sʼya ay HUMSS 12 A?”
“Sʼya ʼdi ba ʼyong top student nila na si Ashianna?”
“Oo, ang ganda nʼya pero sana mag-iingat sʼya baka sʼya na sumunod.”
“Halos sa section nila ʼyong mga biktima.”
Sinuot ko na lang ang aking earphones dahil nakaiirita ang sinasabi nila. Halos ganʼyan na ang naririnig ko kaya nagsasawa na ako. Hindi ba sila nahihiya na naririnig ko ang pinagsasabi nila? O baka naman sinasadya nila.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa classroom namin. Napatitig sa akin ang mga kaklase ko dahil sa bigla kong pagdating. Wala namang problema sa pagdating ko pero bakit nagulat sila ng ganun. Nakita ko si Penelope na nakayuko sa kanyang arm chair.
Tinitingnan ko sila dahil malapit lang sa pinto ang upuan ko. Napansin ko na lahat sila ay nakatitig sa akin at may ilan na umiiyak pa. “May problema ba?” malakas kong tanong sa kanila at lahat sila ay natahimik.
Ang lulungkot ng mga mukha nila dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa section namin.
“Alam mo na ba ang nangyari kay Elena?” tanong ni Kaye na classmate ko.
Sʼya ang class muse namin dahil sa kaniyang ganda at talento. Class president lang ako dahil ako ang nangunguna sa klase namin.
Tumango ako kasi kahapon ko pa nalaman dahil kay Penelop, and I check it to social media at totoo nga pero napansin ko na walang pakialam ang mga pulis. This school is just worried about their image but they donʼt care to those victims. “Oo, nalaman ko rin sa social media. Ano na ang sinabi ng school tungkol sa issue na ito?” tanong ko lahat sa kanila kahit alam ko naman ang gagawin at sasabihin ng school.
“Wala silang pakialam dahil mas maganda sa kanila ang image ng school. Kahit lahat tayo ay biktima ay wala silang pakialam,” naiiyak na sabi ni Chanelle na malapit kay dahil magkaibigan sila.
Sʼya ang class secretary namin dahil sa galing nʼya sa calligraphy at pagsusulat. Tama ang sinabi nila. This school is only care about the image of this school. Baka binayaran din nila ang mga pulis to keep their mouth shut.
“Hindi naman ito bago. Mag-ingat na lang tayo baka tayo na ang isunod ng taong ʼyon.” Paalala ko sa kanila at umupo na sa aking upuan.
Nag-ingay ang mga kaklase ko pero natahimik din papasok ni Ma'ʼam Magsalin. Nilapag nʼya ang kaniyang mga gamit sa mesa pati ang kaniyang laptop. “Maʼam, ano na po ba ang balita sa nangyari sa dalawa kong kaklase?” lakas loob na tanong ni Megan na class treasurer namin.
Tiningnan sʼya ni Maʼam na parang walang kuwenta ang sinabi ni Megan. “Tapos na ang issue na ʼyan. Saka kailangan ko pa ba alamin ang tungkol sa bagay na ʼyan,” sarcastic na sagot sa amin ni Maʼam Magsalin.
Tumaas ang kanan kilay ko dahil sa sinabi nʼya. What kind of teacher of this? Wala silang pakialam kung may mamatay na mga student. Ang mahalaga sa kanila ay sahod nila. “Maʼam, its your responsibility na alamin ang tungkol sa dalawa mong students na namatay. Remember, ikaw ang adviser namin pero mas pinili mo manahimik at hʼwag makialam. Hindi ka ba naawa sa pamilya ng mga biktima?” tanong ni Aaron na class vice president namin.
Sʼya ang pumapangalawa sa akin at nakasuot sʼya ng salamin. Pero, sʼya ang tipong nerd na hindi natatakot dahil sasabihin nʼya talaga ang ipaglalaban nʼya. “Hindi ako ang mga pulis, kung gusto nʼyo alamin ang pagkamatay nila edi bahala kayo. Teacher ako at hindi imbestigador. Letʼs proceed to our classes,” malamig na sagot sa amin ni Maʼam Magsalin.
Nakaramdam ako ng galit sa sinabi nʼya. Naramdaman naman ito ni Penelope kaya napalingon sʼya sa akin. Hinawakan nʼya ang kanan kamay ko na nakakuyom sa aking arm chair.
“One of the greatest problems of our time is that many are schooled but few are well manner educated,” natatawa kong sabi na medyo malakas kaya napalingon sʼya sa akin.
Gulat na gulat sʼya sa sinabi ko dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ako ng ganito. Hindi ko lang napagilan dahil wala sʼyang pakialam. “Kung ilalagay mo sa sitwasyon mo, Maʼam. Anak mo ang namatay at walang pakialam ʼyong teacher nʼya at school. Hindi ka rin ba magiging ganʼto katulad sa amin?” I asked with sarcastic voice.
I saw how her face frowned and get mad to what I said. “Its not my fault if they died. This is their fault.”
Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi nʼya. Sasagot sana ako pero may pumasok na apat na lalaki. Napansin ko na kanina pa tahimik ang kaklase kong ibang babae at lalaki. Humarap sila sa amin at doon ko lang napansin na sila ang Versity 4.
Tahimik lang si Knoxx habang may hawak na libro. Ang hilig nʼya talaga magbasa ng libro dahil palagi na lang sʼyang may dala. “Announcement, we will start from finding those sh*t who disobeyed our rules. Hahanapin namin ang mga taong over 95 ang average sa semester na ito. Got it? So, be ready?” Paalala sa amin ng leader nila kaya nakaramdam ako ng kaba.
Alam ko kung ano ang ginagawa nila sa mga taong over 95 ang average. Lagi nilang binubully o pinapahirapan ang mga taong ʼyon. May ilan nga na nanahimik at lumipat ng ibang school, may ilan din na binaba nila ang kanilang average at may ilan na nag-suicide.
Kapag lumiit ang average mo ay titigilan ka nila. Kinakabahan ako dahil baka over 95 ang average ko this semester. Napansin ko kay Knoxx na tumutulong sʼya ng palihim sa mga na-bully. Halatang napipilitan sʼya pero kaibigan nʼya ʼyong leader nila. I think itong leader ang hindi dapat malamangan kasi PL ito, nangunguna sa college. Laging target nila ay Grade 12 students or Grade 11 students.
“Naitindihan namin, Zaiver,” sagot ng mga kaklase namin.
So, Zaiver ang pangalan ng lalaking ʼto. “Good.”
Nakita ko kung paano nʼya ako dinaanan ng tingin at umalis na. Bakit nahuhuli ko sʼyang tinitingnan ako kapag nakikita ko sʼya? Tumatawa pa ʼyong dalawa nʼyang kasama na natutuwa sa sinabi nʼya. Kapag sikat at mayaman ka ay feeling mo ay ikaw na ang hari na handa mong tapak-tapakan ang isang tao dahil mahirap sʼya o walang-wala sʼya.
No matter how much you tried to fight for your life, it doesnʼt mean you can fight them when you have nothing in their world.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A VAMPIRE PRINCE (UNDER REVISION)
Vampire[VAMPIRE SOCIETY #1] THEODORE ZAIVER VALEIR ✔️ [UNDER REVISION AND EDITING) Ashianna Railey Celestrio, is a girl who love her family. She is a girl who will do anything to make her family happy. But.. It changed when her family make her marry the...