chapter twenty-two

9.3K 473 245
                                    


"Mabuti pa ang isa r'yan, ang ganda ng upuan sa sasakyan." Patuloy na pang-aasar ni Architect Drio nang nasa arki building na kami ng Louis. "Diba Roni?"

Nagtawanan nanaman sila na mas lalong nagpasimangot sa'kin. Magmula kasi nang mapansin nila ang sitwasyon ko kanina sa sasakyan ay hindi na naawat ang biruan na mas lalo lang lumalaki dahil sa pasimuno na si Architect Drio.

Architect Clavel tried to dissuade them from their chaotic fun, but ended giving up when Architect Drio fueled it by teasing her as well. Si Architect Drio lang ang may lakas ng loob biruin ang arkitektong masungit.

"We're here." Architect Clavel said sternly when we reached the assembly hall. Nagsitigil naman sa tawanan at biruan ang mga kasama namin.

The moment we entered the assembly hall we're greeted by not only the coldness of its temperature but how stoic and formal the people are.

A woman who looks like she's in her early 40's approached us. She and Architect Clavel engaged in a quiet discussion for a moment. Few minutes later the woman ushered us to our seats.

Nang makaupo kami ay siyang pag-gala ko ng paningin ko. There's a huge projector screen in front which has the title of their assembly for today.

I noticed the students from different universities. They are wearing a uniform that I think is the uniform of their organizations.

Isang row horizontally ang nakatalaga sa bawat council, at nasa pinakahuling parte kami which is nasa itaas lang din nitong hall. Nakaupo ako sa pagitan ni President Celestia at Architect Clavel. Mumunting ingay ang maririnig sa loob ng hall, ngunit naglaho iyon nang may isang lalaking nagpunta sa unahan para kunin ang atensyon ng lahat.

Ilang segundo lang ang pinalipas niya bago siya nagsimulang magsalita ng topic niya. He's an architect here in Louis.

Ang UAPSA council ng Iver ay kinuha ang kan'ya kan'yang iPad para kunin ang mga impormasyong malalaman nila. Most of them are from higher years, why they are very serious and attentive when it comes to this. Kinuha ko ang akin at nagsimulang maglagay sa section na under ng page na ginawa ko for my tutorial with Architect Clavel.

Nagpatuloy ang pagsasalita ng speaker sa unahan at tahimik na nakikinig lang ang lahat. May mga iilan din na nagtatanong sa speaker mula sa mga councils ng UAPSA.

Just like everyone in the hall, I was busy listening to the man in front when my attention was taken by the woman beside me.

Akmang lilingon ako sa kan'ya nang maramdaman ko ang paglapit ng bibig niya sa tainga ko.

"Did you know that you're not supposed to sit here beside me?" She whispered that made my lips parted. I was about to ask her but then she moved away and focused her attention in front.

Imbes na istorbohin siya ay dumukwang ako at tumingin sa kabilang dulo nitong row na inuupuan namin. There I saw Candice and beside her was Architect Drio who's busy listening to the speaker just like the others.

Was that my seat?

Naramdaman yata ni Architect Drio na may nakatingin sa kan'ya kaya lumingon siya sa banda ko. Nahuli niya akong nakatingin ngunit imbes na magtanong ay ngumisi siya at kumindat pa bago ibinalik ang tingin sa unahan.

Napanganga ako sa akto niya at napakurap-kurap na bumaling sa speaker sa unahan, pilit na binabaling sa topic ang atensyon.

Nang matapos ang unang part ng assembly ay pinapunta kami sa main studio nitong arki building. Naro'n ang mga miniature na ginawa ng mga councils ng UAPSA. Nang makapasok kami sa studio ay namangha ako sa ganda ng mga miniatures.

The Line We DrewWhere stories live. Discover now