CHAPTER 2:

23 2 0
                                    

Nathaniel's POV:





"Isa pa po.. 1, 2, 3 say cheese.. wacky naman po. One, two, three" -sabi nung camera man-hahahaha. Ang totoo, kinalabit ko lang ito at sinabing kuhaan kami.




Pagkatapos nung last shot, inabot ko na sa kanya yung bayad ko. Mga 1k lang naman. Sulit na din kasi.. Hahaha. Kung saan saan niya kami dinala at duon pinagkukuhaan ng pictures.







"Salamat po" -sabi pa nito bago kami talikuran at bumalik sa mga kasamahang kapwa niya photographer.







At saka ko sinipat ang camera kong dala at pinagtitignan ang mga shots. Espesyal itong camera para sa akin dahil binigay ito ni daddy bago siya mawala..







"Ang galing niya. Alam mo ba, yung mga kagaya nila na group of photographers ung mga kinukuha sa special parties. Parang sa mga wedding at birthdays." -hindi ko na namalayan si vani na nagsasalita sa may gilid ko. Pero somehow, nagets ko point niya. Nahahawa na yata ako sa kanya. Hahahaha.







"Hmm yes, kinda. Gusto ko, kagaya nila na photographer ang kukuha kapag ikakasal na ako, vani." -ani ko sabay tingin ng diretso sa mga mata niya.






"Okay." -mahina niyang sagot. Hahaha.






"Kung... may magpapasakal sayo este magpapakasal. Or pwede din kung magpapasakal ka ah. Bihira ang mapapapayag mo kaibigan." -diniinan niya talaga yung word na sakal saka kaibigan. I know what she's pointing. Pero hindi ako basta maaasar dun Hahahaha.






"Sige. Pero kung ikaw lang din naman ang papakasalan ko, papayag talaga akong magpasakal." -sinabi ko iyon habang nakangisi. Saka ko siya kinindatan ng pagkatamis tamis.







"Owss? Dream on, baby" -sabi niya sa mismong mukha ko. As in sa sobrang lapit niya sakin, ilang dipa nalang pwde na kaming magkiss. Saka siya biglang tumakbo. Hahahaha. Pero oks lang yan. Hindi naman siya madadapa eh.





"Tinawag mo ba akong baby?"- humahangos ko pang sabi hababg habol habol siya. Masyado ata akong nadala sa baby. Saka siya tumingin sa akin ng may blankong mukha. Napipikon na naman siya Hahaha.



"Sabi ko, gago".-sabi niya pabalik. Hahaha. Ayan ang nakakatuwa sa kanya, kapag sobrang napipikon na sya, she cannot control herself from swearing.







"Bad yan, baby." -nadidismaya ko kunwaring sabi. Nung muli siyang humarap sakin, mabilis ko siyang hinabol at inakbayan.










"So sweet." -ani ng isang babae, nakatingin sa amin saka ngumiti ng matamis sa lalaking kasama nito—nobyo siguro. Saka nila kami ginaya.








"Look at them, hon. Sobrang protective ni guy kay ate oh, ayaw niyang nagmumura sa public." -sabi pa ng isang babae sa nobyo nito. Iritado namang humarap ang lalaki sa nobya niya.







"Then, magmura ka din para may sumita sayo. Kanina mo pa ako kinukulit na gayahin natin yang mga nakikita mo." -sabi nito. Seriously? Bwahahahaha.








"Okay, fine. Be sweeter next time so I don't need to look at them." -pataray na sabi ng babae. Saka sila nagholding hands. Weird ha. Hahaha.







Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: May 18, 2022 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Selfless YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora