CHAPTER 1

489 25 0
                                    

CHAPTER 1

"SHEMS." Mahinang napamura si Jade. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad pauwi sa bahay nila nang maalala niya ang laptop na naiwan niya sa loob ng kaniyang locker. Kailangan niya kasi ito dahil may gagawin pa siyang report at assignment.

Naiinis man siya sa sarili ay wala siyang ibang choice kundi ang bumalik sa pinapasukan niyang unibersidad. How great! Ang reklamo niya sa sarili. Hingal na hingal na siya sa paglalakad tapos ay babalik pa ulit siya sa kaniyang paaralan. Hindi tuloy maiwasan ni Jade na pagalitan ang sarili dahil kaninang uwian ay nagbabantay na sa gate ng university ang personal driver niya nang maisipang takasan ito.

Kaya ito siya ngayon. Bagsak ang balikat at matamlay na tinahak muli ang daan papunta sa mapunong lugar na palagi niyang dinadaanan tuwing tatakasan niya ang driver at mga guards na nagbabantay sa kaniya.

"Dad... promise hindi na ulit ako tatakas kay Kuya Bert." Ang pagkausap niya sa sarili habang nakatatak sa isipan niya ang kunot-nuong itsura ng ama. Paniguradong sermon na naman ang aabutin niya nito.

He's enjoying the peaceful slumber of the surroundings while walking in the middle of somewhere when he stopped and felt that familiar presence again.

Araw-araw nararamdaman niya ang kakaibang presensiyang ito, na parang may nakamasid sa kaniya mula sa malayo. Kaagad na bumalot ang kaba sa kaniyang dibdib.

Jade just walked again, not minding the uneasiness he was enduring. Iwinaksi niya nalang iyon sa kaniyang isipan. When he saw the high-cemented walls covered with green slippery moss, he immediately climbed the wall using the wooden ladder he always used to climb up and down when he was secretly escaping from his father's men.

Nakatayo na siya sa itaas ng pader at walang katakot-takot na tumalon hanggang sa maramdaman niya ang malambot na foam na kaniyang binagsakan. Nanatili siya ng ilang minuto sa loob ng sirang garbage bin. Malaki ang basurahan sakto lang upang magkasya ang kaniyang maliit at balingkinitang katawan.

Hindi na bago sa kaniya ang mga ganitong pangyayari. Sa halos anim na taon niyang pag-aaral sa unibersidad na ito ay sanay na sanay na siya sa gawaing ito. Halos araw-araw, pagkatapos ng kanilang klase ay tatakasan niya ang kaniyang mga bantay at uuwing naglalakad sa bahay nila. Kaya gabi-gabi rin siyang sine-sermonan ng kaniyang ama dahil sa katigasan ng kaniyang ulo.

He just want to experience new things. And he's young, innocent self craves for it.

Simula noong tumungtong siya ng highschool ay pansin niya ang pagiging mahigpit sa kaniya ng kaniyang ama. Noong una ay ayos lang sa kaniya. But as time passes by, naiinis na siya dahil dito. Whenever he wants to go out, palaging may kasama siyang mga bodyguards. He can't go to his friends house—only allowed to his cousins— to attend parties. Kahit na gusto niya lang mag mall ay pasekreto pa ring pinapasundan siya ng kaniyang ama. Parang nabubuhay siyang palaging may nakasunod na anino sa kaniya. And he hates it.

He was supposed to be an independent young man. But his father was doing everything to crushed his humble ambitious self. Ang tingin nito sa kaniya ay parang isang mamahaling bagay na kailangang ingatan. Na kailangang alalayan at bantayan lagi.

Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa isang malawak na hawla. Malayang nakakalibot pero palaging may nakamasid sa bawat galaw niya.

Jade deeply sighs then pulled himself up.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating na niya ang main building nitong university. Wala na siyang nadatnan na estudyante o teachers man lang. Tahimik, medyo madilim, at malamig ang simoy ng hangin. Iyon ang bumungad kay Jade at tinahak ang payapang pasilyo.

Loving Him Was RedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant