Kabanata 1 : Twinkle and Harmony

593 34 3
                                    

Kabanata 1 : Twinkle and Harmony
5 Years later

"Kabibigay ko lang sayo ng pera, kuya." sabi ni Twinkle na noo'y bente tres anyos.

Nasa Gonzalez condo unit niya si Twinkle ng araw na iyon ng bisitahin siya ng kuya niya.

"Maganda na ang career mo, kung tutuusin kahit nauna si Harmony sayo, kapantay mo na lang siya ngayon." sabi ni Edward habang nakaupo ito sa sofa at nakataas pa ang mga paa sa center table.

"Kuya, singer ako at oo aminado ako kapantay ko lang ang kasikatan ni Harmony ngayon, pero ang talent fee ko ay wala sa kalingkingan ng talent fee niya. Hindi naman porket magkapantay na kami ng kasikatan ay pareho na kami ng talent fee. Kuya, hindi ganoon iyon. Saka marami na ako ibinibigay sayo." sabi ni Twinkle habang nakatayo ito sa balcony at nakatingin sa kapatid niya.

"Sumikat ka lang, ang yabang mo na." sabi ni Edward habang pinagmamasdan ang tila bahay na pag-aaring condo ng kapatid niya.

"Kuya, monthly kita binibigyan ng pera. Ang bayad sa akin ay per kontrata at hindi buwanang sahod. At kung may gig ako, hindi lang sa akin napupunta ang pera hahatiin pa iyon sa manager ko, sa mga staff, at p.a ko. At bukod doon monthly din ako nagbabayad ng billings sa bahay, sa condo, telepono, ilaw..." udlot na sabi ni Twinkle ng magsalita ang kuya niya.

"Huwag mo akong kompyutan dahil hindi naman ako pulubi. Kung ayaw mo magbigay sabihin mo lang at aalis ako." sabi ni Edward.

"Kuya, hindi sa ganoon. Tayo na lang ang natitira sa mundo. Wala na sila mama at papa kahit ang mga tumayong magulang natin ay patay na. Ayoko naman pati ikaw mawawala sa akin." sabi ni Twinkle.

"Iyon naman pala so pahingi ng pera." sabi ni Edward.

"Kuya, wala talaga akong maibibigay." sabi ni Twinkle.

Napahingang malalim si Twinkle, artist/singer siya at alam niya any moment puwede siyang malaos. Wala siyang alam na ibang trabaho, kaya nga kahit gusto niya magreklamo sa manager niya sa hatian ng pera niya. Wala din siya magawa dahil takot siya mawalan ng kita, at ang manager niya ay kilala sa industriya na siyang naghahanap ng pagkakakitaan niya.

Kaya naman, nag-iipon din siya sa sarili niya. Binibigyan naman niya ang kuya niya monthly kaso maluho talaga ito.

"Okay sige. Uunawain kita." nakangising sabi ni Edward na ikinangiti ni Twinkle.

"Kuya, sorry. Huwag kang mag-alala.. ahhhm, dadagdagan ko ang ibibigay ko sayo next month." sabi ni Twinkle.

"Kahit hindi mo na ako bigyan. Ipunin mo na lang." sarkastikong sabi ni Edward.

"Kuya?" sabi ni Twinkle.

"Naisip ko, mas matanda ako sayo ng ilang taon pero ako pa ang humihingi sayo. Kay Hanz na lang ako hihingi." sabi ni Edward na ikinatitig ni Twinkle sa kapatid.

"Kuya, bakla ka ba?" sabi ni Twinkle. Alam ni Twinkle na pumapatol sa lalaki ang kapatid niya at pumapayag ito makipagrelasyon sa lalaki. Katunayan nun nahuli nga niya ito minsan ng mismong mga mata niya.

At bukod doon, madalas niya ito makita sa condo nito na binili niya na may kasamang lalaki, na alam niyang bakla.

"Mukha bang bakla ang mga kinakasama ko? Little sister, may taste naman ako. Ayoko ng dugyot at dukha." sabi ni Edward.

Napahingang malalim si Twinkle, dahil ang mga sinasamahan ng kuya niya ay mga professional o mayayaman na bakla. Iyong tipong hindi mo aakalain na bakla. Closet queen na maitatawag, at katunayan din nito ang iba sa artistang akala mo ay lalaki ay nakarelasyon ng kuya niya.

H14 : The Island Prince : Ciao and Twinkle (Completed)Where stories live. Discover now