Twenty One

94 7 0
                                    

Twenty One

8 Years Later

Bitbit ang aking designer bag ay agad akong lumabas sa aking sasakyan. Sa huling sandali ay sinulyapan ko ang aking sarili sa side mirror at tuluyang umalis.

Nakangiting mga nurses ang sumalubong sa akin sa entrance pa lang ng Hospital.

"Good Morning Doctor Riel" bati sa akin ng ilang mga Doctors.

"Morning 'rin." Dire-diretso ako sa aking opisina at sinuot ang aking white doctors gown. Kinuha ko 'rin sa aking mesa ang mga chart ng aking pasyente for the morning follow up check up. Nakasunod sa akin ang ilang nurses upang i-takedown lahat ng aking sasabihin.

I become a Doctor for 8 years had passed. Hindi ko sinunod ang gusto ng aking magulang na mag-take ng Business Course when I'm in France, but instead I pursue a medical career.

Lahat ng aking mga pasyente ay nakangiti akong binabati umaga palang. I explain to them the improvement of their illness. Ipinagbilin ko rin sa aking mga nurses ang mga dapat nilang i-take na mga gamot at ang dosages nito. And for the last patient, tiningnan ko isa-isa ang mga nakabuntot sa akin.

"Liya" tawag ko ng atensyon ng aking isang nurse.

"Yes Doc,"

"Page me if kailangan nila ako sa ER, I just need to go to Directors office." Tumango kaagad ito kaya umalis na ako. Isinukbit ko sa aking leeg ang stethoscope at isinilid sa bulsa ng aking doctors gown ang cellphone, itinali ko na 'rin ang aking buhok at dire-diretsong nagtungo sa Directors office.

Tatlong katok ang nagawa ko bago ko marinig ang "Come in" na word kaya naman dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at isang busy na matipunong lalaki ang bumungad sa akin.

"Are you hungry?" Kunot noo agad ang nakita niyang expression sa mukha ko.

"Did you just keep calling me to ask me that?" I rolled my eyes at him.

"Why? Masama ba?" Nakangisi niyang sabi. Dire-diretso ang pasok ko sa kanyang opisina at napasandal sa kanyang office sofa. Humalukipkip ako upang ipakita ang pagkainis ko sa tinuran niya.

"Look Gus, I know that we've been friends for God knows since, start yata ng pinagbubuntis pa tayo ng parents natin, pero hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? I mean halos araw-araw ko na lang nakikita yang pagmumukha mo nung High School, and now ito naman... wala ka bang girlfriend? Balita ko ang daming doctors and nurse ang nagkakagusto sayo. Maghanap ka nga! hindi 'yong ako yung kinukulit mo palagi." Nakita ko ang kislap ng mata niya sa napakahaba kong sinabi.I groaned and iritang tiningnan siya ng mariin.

"Masama ba ang yayain ka lang mag-breakfast? At isa pa, di naman tayo nagkikita na ngayon since sobrang busy mo sa mga operation mo. And girlfriend? Ako pa talaga? Mawalan? Of course, madami ako niyan!" proud pa niyang sabi kaya ngumiwi ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

Nagbabalak na akong tumayo at iwanan na siya nang bigla akong matigilan sa sunod na sinabi niya.

"Axel is back!" Napukaw ang atensyon ko sa sinabi niya at natigilan.

Kitang kita ko ang panunuri sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Namuo ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan akong natulala sa harapan niya. He crossed his arms and continued his statements.

"He called me last night for a meet up. Do you want to go with me?" Sabi niya. Napakabilis ng tibok ng puso ko at huminga ng malalim. Pinakita ko sa harap na Gus na hindi na ako apektado kay Axel kahit na parang sasabog ang puso ko sa balita niya.

"No! Paki-kamusta na lang ako. May mga operation akong naka-line up today. I'll go ahead." Tipid kong sagot at tuluyan ng lumabas ng silid niya.

Ang dami ng nangyari, I graduated High School and College without him. And isa pa, ilang buwan ko lang naman siya nakilala noon, and that's it! Tinaga ko na sa bato na titigil na ako sa pangangarap sa kan'ya, that I will let him go, that I will let go my unrequited love for him. Kasabay ng pagkawala niya ay ang tuluyan kong paglimot ng existence niya.

At hindi na ako ang Rie,l that I was 8 years ago! I became a doctor, a professional doctor that saves lives, not that teenage girl who is in love with him. As time goes by, so many happens and change to us, physically and emotionally, tinibay na kami ng panahon kaya dapat hindi na ako naka-settle lang sa time na naroon pa siya.

And even Gus became our Hospital director. Kahit na ang malokong lalaking 'yon ay nagbago. Naging mahigpit sa mga policy. I've been working here for 2 years and as I saw him everyday, he's still changing, kaya I know for sure Axel is also like that. Siiya man ang Axel na nakilala ko 8 years ago, I know in my mind na hindi na siya ang Axel na nagustuhan ko ngayon. For sure napakaraming nagbago sa kanya...just like how the change involve in us.

Dire-diretso ang hakbang ko habang tuloy-tuloy ang tunog ng aking phone at paging sa pangalan ko sa loob ng Hospital.

"Paging Doctor Riel, please come to the ER." Paulit-ulit na tawag sa akin. Iwinaksi ko ang napag-usapan namin ni Gus at nag-focus sa aking trabaho maghapon. Nang sumapit ang gabi ay nag-diretso ako sa aking opisina upang magpahinga sandali dahil after an hour ay may naka-schedule akong operation. Sandali kong ipinikit ang aking mata ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone sa mesa. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang tumawag at tamad na lamang itong sinagot.

"Riel." Boses pa lang ay alam ko nang si Gus ang nasa kabilang linya.

"Bakit?" Tamad kong sagot.

"Kumain ka na? Its been 8pm, may dala akong pagkain dito."

"Hindi pa. Dalhin mo na lang dito sa office. May schedule pa akong operation after an hour." Inaantok kong sagot.

"Okay." and he ended our call. Umidlip ako sandali at hindi nga nagtagal ay nararamdaman ko na ang presensya niya sa loob ng aking opisina. Isa-isa niyang pinagbubuksan ang pagkaing dala at nang maka-settle na siya'y tinawag na niya ang pangalan ko.

"Kumain ka na." Dahan-dahan ko namang iminulat ang aking mata at umayos na ng upo. Hinila ko ang aking upuan palapit kung saan niya nilapag ang pagkain, kumuha 'rin ako ng kutsara at tinidor.

"Don't tell me hindi ka nag-lunch?" Tiningnan ko lamang siya at diretso na sa pagkain.

Inilingan niya ako at dissapointed na tiningnan ako "This is the reason kung bakit ako kinukulit ni Tita about your meal 'e. Masyado kang focus sa trabaho mo kaya pati sarili mo nakakalimutan mo na." Suminghap ako dahil nagsisimula na naman ang pangaral niya.

Sinamaan ko na siya ng tingin. "Hindi ba may lakad ka? Umalis ka na nga!" Bwelta ko sa kanya.

"After mo na kumain..." sagot niya sa akin.

Tumigil ako sa pagkain at seryoso siyang tiningnan. "Alam mo- tigil-tigilan mo nga itong actions na ito. Yung laging pagdadala sa akin ng pagkain sa opisina ko. Kaya tayo nai-issue 'e. Okay din sana kung kinaklaro mo sa mga subordinates mo ang relasyon natin. Ako palagi ang–haist! Nevermind."

Humalukipkip siya sa harapan ko and form an evil smile. "Why? Pagod ka na ba sa pagtatanggol na walang namamagitan sa atin?" Sinamaan ko siya ng tingin. I know mag-aasar na naman ito.

"Ako kasi hindi pa." sabat niya kaagad. See, nang-aasar na naman.

Napansin ko ang panay sulyap niya sa kanyang orasan. Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina about their meet up.

"Mukhang late ka na sa lakad mo. Go ahead." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Are you sure na hindi ka sasama?" Umiling-iling ako at nag-focus lang sa aking kinakain.

Nang mapansin kong tatayo na siya ay may pinahabol pa akong salita bago siya tuluyang umalis.

"Gus, if you saw him please make sure na kakain siya habang kasama mo siya ah. Ingat kayo" malungkot kong bilin sa kaibigan. Pagkatapos kong sabihin 'yon tinawag na 'rin ako ng nurse dahil ready na daw ang operation room.

I tap Gus' shoulder and leave my office.

My Unrequited LoveWhere stories live. Discover now