Seatmate

4 0 0
                                    


Umaga akong nagising dahil ako’y galak na galak sa unang araw ng klase. Nasasabik ako na makilala ang mga bago kong kaklase, kaibigan at mga guro.

Pagkadating ko sa aming silid-aralan hindi na pala bago sa aking paningin ang aking mga kaklase. Nang hinayang ako kasi wala akong may nasilayan na mga transferee. Humanap ako ng bakanting upuan at doon sa bandang likuran ako umupo.

"Magandang umaga sa lahat", bati ng guro. Labis kong kinagulat nang may nagtanong sa akin. "May nakaupo ba rito? Tanong ng isang lalaki. Available po ang upuan na ‘yan para sa’yo, sabi ko naman.

Sa kagitnaan ng diskasyon ng aming guro kaniyang inanunsyo na may bago pala kaming kaklase at siya pala ‘yung seatmate ko.  
Hindi ko maiwasan na siya ay pagmasdan. Agaw-agaw tingin sa mga sulyap ng kaniyang mata at ngiting nakasilaw.

Alam mo ‘yung pakiramdam na parang naglalakad ka sa ibabaw ng ulap at sumasabay sa ihip ng hangin. Sa puntong iyon mga magkahalong emosyon na hindi maipaliwanag ang aking naramdaman. Lalo’t na nong nalaman ko ang kaniyang pangalan dali-dali ko itong sinulat sa papel.
Lumipas ang ilang araw naging magkaibigan kami. Hindi naman maipagkaila dahil kami ay magkalapit at magkatabi ng upuan.

Napadalas na ang aming kwentuhan kapag walang klase. Tinago ko lang ang tunay kong nararamdaman sa kaniya para hindi masira ang aming samahan bilang magkaklase at magkaibigan.

Hanggang sa napansin na ito ng aming ibang kaklase at madalas na rin kaming tinutukso. Parang nahihiya na ako sa kanila lalo’t na sa mga maiingay nilang bunganga.

"Bagay naman kayo", bulong nila. "May gusto ka sa kaniya?" Narinig kong tanong ng kaklase. Naiilang na ako sa kaniya at parang nagkaroon ng puwang o hadlang sa aming pagkakaibigan.

--------------‐
Isang araw nag-ipon ako ng lakas ng loob at opisyal na umamin sa kaniya. "May gusto ako sa’yo" sabi ko. Natamimi siya ng ilang segundo at sinabi niya "hindi naman kita gusto". Diretso niyang sinabi. Matapos kong marinig ang kaniyang tugon pinanghihinaan kaagad ako ng loob. Hindi ko maintindihan kung ano ang dapat kong gagawin kung tatawa ba ako o hahayaan ko nalang. Pagkatapos ng aminan na iyon hindi na niya ako pinapansin kung magkasalubong man kami parang hangin nalang.

Hindi naging malinaw ang pagtatapos ng aming pagkakaibigan.
Sa loob ng tatlong taon na naging magkaklase kami dumating na ang oras na ako ay lilipat na ng paaralan sa kadahilanang problemang pampinansyal.

Naging mabilis ang panahon at hindi na ako nakapagpaalam.

Habang ako ay napatambay sa aking social media account may biglang nag-notif sa aking messenger.

Isang mensahe galing sa dati kung kaklase. "Bumalik kana rito, patay-lingon si crush mo sa likuran kasi hindi ka na niya nakikita na pumapasok ".

Agad naman akong nag-reply, "hayaan mo na siya may gusto naman siyang iba".

"Magkaibigan na hindi humantong sa pag-iibigan", bulong ko sabay ngiti.
Habang ako ay papasok sa panibagong paaralan.

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now