ANG PAGHAHANAP

162 9 0
                                    

OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:

WOMAN (MUMFORD & SONS) 

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)


Ang Nakaraan

"Binibiro ba ako ng aking mga mata? Ikaw nga ba yan..." Hindi makapaniwala si Danaya.

Lumapit si Alena at hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid. "Ako nga ... nagagalak akong makita kang muli." Niyakap niya nang mahigpit ang sanggre.

.

.

.

.

.

SA LIREO

"Danaya ...tulungan mo ako..." Hinawakan ni Alena ang kamay ng sanggre. "Kayo na lamang ang mapagkakatiwalaan ko..."

"Oo, sabihin mo sa akin ..."

"Tulungan mo akong hanapin ang aking anak."

.

.

.

.

.

Naging seryoso ang tinig ni Cassiopeia. "May paraan upang mapigilan ito ... kailangan nating mahanap ang encantadong nakatakdang manakit kay Lira."

"Sabihin mo sa akin, saan ko siya matatagpuan?" Tahas na sinabi ni Danaya.

"Tinuran mo na kaya mong gawin ang kahit ano." Humarap sa kanya ang sinaunang reyna. "Ang encantadong sinasabing papaslang kay Lira ay isang sanggre...iyong kadugo, iyong hadiya."

Hindi nakapagsalita si Danaya. "Siya ay anak ng iyong kapatid na si Alena."

.

.

.

.

.

Kailangan kong mahanap kaagad si Kahlil. Isip ni Danaya

"May dinaramdam ka ba mahal na sanggre?" Nahinto ang pagninilay-nilay ng diwata nang marinig niya ang tinig.

"Aquil." Ipinagpatuloy lamang ni Danaya ang pagdungaw sa kaharian.

"Tila napakalalim ng iyong iniisip." Lumapit ang mashna.

"Pinagmamasdan ko lamang ang Lireo ... " Hindi maitago ng sanggre ang kanyang tunay na nararamdaman. "Mapayapa na muli ang Encantadia ngunit..."

"Ngunit?" Sagot ni Aquil.

"Sa aking pakiwari ay may kakaharapin tayong muli... na ang kapayapaan na ito ay pansamantala lamang." Malungkot niyang sabi.

"Subalit hindi iyon ngayon." Napatingin sa kanya si Danaya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Bahagyang ngumiti si Aquil upang bigyan ng lakas ng loob ang sanggre.

"Maari ngang mangyari ang iyong tinuran.. pero tulad ng iyong nakikita ... payapa ang lahat. Nararapat lang na maging handa tayo kung dumating ang araw na iyon, ngunit hindi dapat natin kalimutang mamuhay sa ngayon. Para sa akin, mas mahalaga pa rin ang kasalukuyan."

"Siguro nga'y tama ka ..." Napabuntong hininga si Danaya. Nagsimula silang maglakad pabalik sa bulwagan ng palasyo.

"May kinalaman ba ito sa pagbabalik ng iyong kapatid?"

PINAGTAGPO, ITINADHANA  (ENCANTADIA / BOOK 3 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon