Chapter 4 - Torn

8 0 0
                                    

Hindi mapakali sa Ava sa kanyang kwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi mapakali sa Ava sa kanyang kwarto. Parang wala na siyang lakas para umattend ng mga practice niya for the upcoming fashion event.

Ang akala niya ay matatahimik na ang buhay niya pagkatapos makulong ni Matthew. Pero hindi niya alam na simula palang iyon ng mga magaganap na problema.

Hindi na rin nakapaglunch ng magkasama si Ava at Brendan dahil minabuti na ng lalaki na umuwi nalang muna siya dahil na rin sa stress na kanyang nakuha at makukuha pa.

"Hatid nalang kita bukas, then sunduin kita after. Medyo malelate nga lang ako, kailan ba end ng practice niyo?" napatingin si Ava sa kanyang desk kung saan nakalagay sa isang sticky note ang schedule para sa practice nila bukas.

"Five thirty ng hapon, love. Conflict ba sa schedule mo?" pagtanong ni Ava sa kanyang kasintahan na nasa kabilang linya. Tumawa ng mahina si Brendan bago sumagot.

"Love, kahit naman tumama siya sa schedule ko, ikaw pa rin naman priority ko."

"Bolero, hindi pa tayo mag-asawa, yung trabaho mo muna atupagin mo."

"Doon din naman ang ending natin, so syempre agahan na natin ang practice." tumawa naman si Ava sa mga sinasambit ni Brendan.

Sa kabilang linya ay kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng lalaki. Ilang oras na siyang stressed dahil back to square one nanaman sila sa pagiimbestiga.

"Sige na love, need ko pang magtrabaho. I love you!"

"I love you too!"

Nang maibaba na ni Brendan ang

Hindi rin niya mapigilang magalit sa lalaking kanina lamang namatay. Nang malaman niya na iniistalk pala nito si Ava ay napasugod siya sa presinto ngunit nagulat na lamang siya nang makita itong wala nang buhay.

Nanliliit ngayon si Brendan, feeling niya ay hindi siya magaling na detective. Ito lamang ang kasong nahihirapan siya noong simula.

Kung hindi si Matthew, sino?

"Bro, magpahinga ka kaya muna?" tanong ni Dave, ang matalik na kaibigan ni Brendan. Kanina pa siyang nagaalala sa kanyang kasamahan na halatang hindi nasa tamang wisyo at kondisyon na magtrabaho.

"Ayos lang ako, bro. Kape lang katapat neto." paninigurado ni Brendan, pero wala pa ring tiwala si Dave na ayos lamang siya. Kung kaya't ginamit na niya ang mga salitang magpapasunod sa kanya.

"Kapag hindi ka nagpahinga ngayon, tatawagan ko si Ava." nanlaki naman ang paningin ni Brendan bago hanapin ang sofa at doon nahiga. Mahina namang tumawa si Dave.

"Joke time lang eh, halatang under na under sa girlfriend oh." pantutukso ni Dave ngunit ito ay bulong lamang upang hindi muna magambala ang pagpapahinga ni Brendan. Mabagal ang kanyang paglakad bago tuluyang makalabas si Dave sa opisina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nocturne of Red LoveWhere stories live. Discover now