CHAPTER 2

407 24 0
                                    

Hikare POV





"Hi, Hikare right?" Natigil ang pagmumuni-muni ko ng magsalita ang katabi ko. Nilingon ko naman ito at sinagot.




"Oo, ako nga." Mahina kong ani. Napatango-tango naman siya at muling tumungga sa basong may lamang alak na masakit sa ilong ang amoy.




Natahimik ulit ang pagitan namin at tugtog lang na pinapatugtog ng DJ ang bumalot sa katahimikan.



Narinig kong inilapag niya ang baso sa mesa at tumayo kaya nilingon ko ito, noong una ay bumungad sa akin ang naka side view niyang mukha na talagang nakaka-attract lalo na ang matangos niyang ilong.



Napaiwas at napatikhim ako ng bigla siyang lumingon sa pwesto ko.




"Gusto mong maglakad lakad muna? Masyado kasing maingay dito, may alam akong lugar na tahimik dito." Nakangiting ani nito kaya lumingon naman ako sa kaniyang nagtataka.




"Ano sasama kaba? Kasi piling ko your not into this kind of place." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman, tama naman siya, sa totoo lang ay kanina pa sumasakit ang ulo ko dahil sa lakas ng tugtog sa loob.




"Sige na nga. Sumasakit na kasi ang ulo ko dahil sa ingay dito." Ani ko na ikinatawa niya. Nagsimula na siyang maglakad habang nakapamulsa kaya sumunod nalang ako.



Gusto ko na talagang umalis doon. Kung alam ko lang talaga na sa ganitong lugar ako dadalhin ni Darya ay aayaw ako, tama si Aisa sa sinabi niya kanina, I'm not into this kind of place.



Napangiti naman ako dahil doon.



"Anong ngini-ngiti mo diyan." Napitlag ako ng biglang magsalita si Aisa. Nilingon ko naman ang paligid, malayo na pala kami sa Mansyon. Sa tingin ko ay nasa Malawak na garden kami ngayon dahil sa mga bulaklak at punong nakahelera.




Binalik ko naman ang tingin ko sa kaniya at umiling.




"Ah, wala naman." Ani ko gamit ang mahinang boses. Ang awkward pa dahil nakatitig siya ng deretso sa akin.




Tumango-tango naman siya sa sinagot ko at naglakad ulit. Sumunod naman ulit ako sa kaniya habang naglalakad.




Hindi na siya nagsalita pa kaya nagmunimuni nalang ako habang sinusundan ang mga yapak ng paa niya.




Matangkad siya at mahahaba ang binti kaya malalaki rin ang hakbang niya. Parang hanggang balikat niya ngalang ako eh.





Napanguso ako. Ganon naba talaga ako kaliit kaya kapwa ko babae ay mas matangkad narin kesa sa akin? Daya naman ni Lord, pero biro lang.





Habang sinusundan ang yapak ng mga paa niya ay napansin kong palaki ng palaki ang mga hakbang niya kaya halos talunin ko na upang makaapak lang sa inapakan niya.





Ngunit habang ginagawa iyon ay bigla naalamang akong natapilok dahilan kung bakit muntik na akong masubsob sa sementong dinadaanan namin.





Ngunit bago pa magkita ang semento at mukha ko ay mga mga brasong sumali sa akin habang nakatalikod ako, agad niya akong itinayo ngunit dahil sa hindi agad ako nakaready ay napahawak ako sa braso at balikat nito.





The Moment I Loved You (GXG | Intersex)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें