Chapters 19.Banggaan

10 2 0
                                    


Natapos na kami sa canteen pabalik na kami sa classroom namin ng bigla akong siniko ni Airah nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

"Bestie,ano yang nasa supot mo ehemm... I smell something fishy!"nanunuksong sabi ni Airah kay Kelly.

"Hay naku Airah inatake ka na naman ng pag katsismosa mo!Something fishy ka diyan baka bunganga mo may smell fish kasi ang daming fishball pinapak mo kawawa tuloy si Clayde parang iniwan ng jowa ang mukha",sabi ni Kelly habang nangingiti.

"Naku ang galing mag change topic ng bruha.Akala niya hindi ko nakita na inabot sa kanya ni Marco iyang supot kanina",sabi ni Airah sabay kunyari kurot sa tagiliran ni Kelly.

"Airah ano ba?Iyang bunganga mo talaga umayos ka nga baka marinig ka ni Bash at kung ano na naman ang isipin niya.Kilala mo naman ugali niyan di ba?"sabi ni Kelly sabay takip sa bunganga ni Airah.

"Okey I keep silence na basta kwentuhan mo ako mamaya ha",sabi nito sabay lakad para makahabol kina Kate .

Napaisip tuloy ako kung bakit ako binigyan ng meryenda ni Marco.Ang gulo tuloy ng isip ko nagiging pareho na yata ako sa kanya eh.Dinaig pa ang babae na nagmemens kung mag mood swing.Hay naku bakit ba iniisip ko ang lalaking iyon?

Nasa ganun akong pag iisip ng bigla akong hawakan ni Bash sa kamay sabay hila sa gilid ng hallway.

"Bakit babe?"nagtataka kung tanong kay Bash.

"Mauna ka na sa classroom babe pinapatawag ako ni Sir Maido",seryoso nitong sabi.

"Okey babe kitakits nalang tayo mamaya.Ingat okey",nakangiti kong sabi.

"Okey babe makakaasa ka diyan",sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

Nakatulala ako na nakatingin kay Bash habang patalikod ito na  naglalakad papuntang office ni Sir Maido the CAT commandant in our school.

Hindi ko namamalayan na nakakagat ko na pala ang labi ko sa kilig kasi parang gusto ko sumigaw na hindi ko maintindihan. Walanghiya talaga na Bash iyon subra kung magpakilig.Papikit pikit pa ako habang inaalala ang ginawa ni Bash ngayong ngayon lang ng biglang may sumagi sa akin muntik na ako mahulog sa kanal dahil nasa gilid ako ng hallway.

"Hey what's wrong with you!"naiinis kung sabi.

"Ohh..I'm sorry I didn't meant it.Besides I didn't see you why kasi your standing in the side of the hallway",maarteng sabi ni Jam.

"Really Jam hindi mo ako nakita sa laki ko na ito o sadyang nanadya ka lang ",napipikon ko na sabi.

"Why will I do that?Bakit ko naman sadyain na  maitulak ka?Are you out of your mind?"nagdadrama nitong sabi.

"So ano iyang inaarte mo feeling ikaw ang victim ha.Alam ko sinadya mo talaga Jam kasi nagseselos ka sa amin ni Bash ",sabi ko pa dito.

"Do you have a prove na sinadya ko talaga iyon?Kelly I am not that so desperate para saktan ka and I already say sorry",halos maluha luha nitong sabi.

Natameme ako dun ah kasi wala naman talaga akong pruweba na kung sinadya niya talaga akong itulak.

"So ano Kelly natameme ka diyan kasi narealize mo na tama ako di ba?Huwag ka kasing masyadong judgemental ",dagdag pa nitong sabi.

Iniinis talaga ako ng babaeng ito ah.

"Alam mo Jam namumuro kana sa akin ha!Hindi porket baguhan ka dito hindi na kita papatulan sinasabi ko sayo huwag mong sagarin ang pasensya ko",nagpipigil kung inis na sabi.

"Why Kelly what will you do?"nakataas kilay nitong sabi.

"You don't know me will Jam.I am good if you are good to me but I am more bitch if you are bitch also",sabi ko na may diin sa kanya.

I love you 'till endOnde as histórias ganham vida. Descobre agora