2nd Night: The King, the Queen and the Surprise.

3.8K 106 29
                                    

 I dedicate this chapter to Alyloony. When we met each other in Tokyo, I told her some things about Hosts and she seems interested in their lifestyle. So this chapter is a chapter of what's going on inside the Host Club and the hosts' perspective within the club. 


 Makintab na bagong silver Oxford shoes ang suot ko ngayon. Nanghihinayang pa rin ako sa Sanbyakuman Sanzen yen (Three hundred thirty thousand yen) na damage sa akin ng mga Yankee teenage kids dahil nga nakipag away kalye ako sa kanila. Argh! Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil bukod sa safe ako at nakakain ako ng masarap na kare-kare ay safe pa rin ang kwintas na suot-suot ko ngayon. Napigtas ito pero napaayos ko rin sa isang recommended shop ng kapwa hosto ko sa Ginza, Tokyo.


Ang kwintas ko na ito ay 24 karat gold na may 24 karat gold cross pendant. Sa gitna nito ng cross ay may diamond na nakadikit. Tulad ng nabanggit ko noong una, ang halaga nito ay Nihyakuman yen (Two hundred thousand yen). Pero hindi naman talaga dahil sa halaga kung bakit iniingatan ko ang kwintas na ito at lagi ko ring isinusuot. Ito ay dahil regalo ito ng isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko.


 Knock. Knock.


Kinatok ako ng co-host ko na si Kei-kun, hindi niya tunay na pangalan. Si Kei ay Top 5 sa rank ng Cube Club. Orange hair dahil sa kulay. Malaki ang mata. Maliit ang height. Siya rin ang pinakabata sa amin. Sa edad na eighteen ay nagho-hosto na siya. Pero madalas na sinasabi ng mga patroness niya na mukhag siyang fifteen years old. Dahil bukod sa mas batang mukha niya kaysa sa edad niya ay parang bata rin siya kumilos at gumalaw. Mula sa malaking ngiti niya hanggang sa V sign pose na madalas niyang ginagawa kung nagpapa-cute siya sa customers na kasabay ang paglabas ng dila niya. Minsan kinaasaran ng kapwa ko hosts ang pagpapa-cute niyang ito pero ito rin kasi ang dahilan kaya bumabalik ang mga regular customers niya. Dahil sa "Cute boy" image niya. Actually, hindi na nga yata image ito dahil natural na sa kanya ang ganitong asal na maski sa harap naming mga hosto ay kung anu-anong pagpapa-cute ang ginagawa niya. Minsan nakakaasar na at gusto ko na lang siyang sapukin minsan. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon dahil senpai niya ako at Top 5 siya. Asset siya ng Cube Club.


 "Tatsu-senpai~!" bati na buhay na buhay sa akin ni Kei-kun na nakangiti na nakikita ko na ang sungki niyang ngipin. Ang ngipin na kahit sungki ay kinahuhumalingan ng mga babae dahil mukha raw siyang pusa tuwing ngumingiti siya. "Yumi-sama is here! She is requesting for your company! Teehee!"


Sabay na nag V sign siya at kumindat. Aba, ayus to a. Dalang-dala niya ang image niya kahit kinakausap niya ako.


 "I'll be there."


 "Hurry up, senpai! Or I will steal her! Teehee!"

 

 "Just try. Let's see if you can..."

 

 "Just kidding! See you at your kingdom, Love King!"

 

Agad na isinara ni Kei-kun ang pinto sa paglabas niya. Natural na sa amin ang maghamunan ni Kei-kun. Pabiro lang naman ito pero pakiramdam ko na kung may makakakuha man ng rango ko ay, gusto ko si Kei-kun iyon. Dahil loyal siya sa akin bilang senpai niya. Pero matagal na matagal ko pang ipapasa sa kanya ang posisyon ko kung mangyayari man yun. Dahil ngayon, akin ang title na Love King at hindi ko bibitawan ang Top 1 position ko hangga't makakaya ko. Lalo na at nasa likod ko ang suporta ni Yumi.

LOVE KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon