My Hero

22 5 0
                                    

"The real hero is the man who fights even though he is scared" – George S. Patton Jr.



Lumaki ako na si Kuya lang ang kasama ko, parati kasing wala si Papa at Mama dahil labas pasok si Mama sa hospital. Bata palang ako kaya hindi ko alam kung bakit palaging silang pumupunta sa puting o malaking bahay, yan tawag ko noon sa hospital. Minsa'y inaabot ng linggo o buwan na doon natutulog si Mama.



May nakita din ako na kung ano-ano ang naka dikit kay Mama, nakasuot siya ng puting damit at himbing na himbing ang tulog. Hindi ko siya nakilala agad dahil ang naalala kong mukha ni Mama, ay may maitim at malusog na buhok, may sigla at magandang mukha. Malayong-malayo sa hitsura niya ngayon. Maputla, walang buhok at parang lantang gulay. Tanging aparatos na lamang ang nagbibigay buhay sa kaniya.



Binawian si Mama ng buhay. Isang linggo lang ang nakalipas nang dalawin namin ni Kuya. Naging madilim ang bawat gabing nagdaan dahil sa pagkawala ng aming ilaw sa tahanan. Para kaming gumagaw sa madilim na lugar na wala kahit anong ilaw na sumisilbing liwanag para makakita at makagalaw.



Isang taon ang nakalipas nagkaroon si Papa ng babaeng ipinalit kay Mama. Unang kita ko palang sa kanya hindi ko na siya gusto. Walang sinuman ang pweding makapalit sa Mama namin. Hindi ko siya magugustohan bilang bagong nanay namin at nagtatampo ako kay Papa dahil nakahanap na siya ng iba. Madaming pumasok na katanungan sa akin. Nang araw na iyon, pansin ni Kuya ang sama ng loob ko kay Papa dahil sa pagdala nito ng babae.



"Jillian, magtapat ka nga sa akin. Galit ka ba kay Papa?" mahinahong tanong niya.



"Kuya, Hindi na ba mahal ni Papa si Mama?"



Huminga ng mamalim si Kuya bago nagsalita. "Alam mo Jill. Intindihin lang natin si Papa. Isipin nalang natin na para rin sa atin 'to. Ayaw mo ba?, may matatawag natayong Mama ulit."



"Ayaw kong palitan sisi Mama, Kuya."



Lumapit si Kuya sakin at binigyan ako ng ma-init na yakap. "Alam ko Jill, pero wala na tayong magagawa. Subukan mo lang, susubukan natin.



Naging maayos ang pakitungon sa amin ni Tita Aida. Kahit papano naramdaman namin ulit ang aruga ng isang ina. May nagluluto, gumagawa nang gawaing bahay at may tagagawa ng baon namin ni kuya sa school.



"Kuya, kamusta na kaya si Mama no?" Tanong ko kay Kuya habang naglalakad kami papuntang school.



"Okay naman siguro" tanging sagot ni Kuya. Alam ko na nanalungkot din si Kuya pero hindi niya lang pinaparamdam at pinapakita sakin ni kahit minsan hindi ko siya nakitang umiyak.



"Sa tingin mo Kuya, masaya naba siya ngayon?" Napahinto si Kuya sa tanong ko. Hinarap niya ako saka bahagyang lumuhod para pumantay sa akin.



"Jill, kung saan man naroon si Mama ngayon sigurado akong nasa maayos na lugar na siya. Isipin nalang natin na nasa lugar siya kung saan hindi na niya mararanasan ang hirapan at makakaramdam ng sakit. Kaya ikaw palagi mo siyang i-p-pray kay Lord huh!" Tumayo si Kuya saka bahagya niya akong tinapik sa ulo at nagsimula ng lumakad muli.



Nang makarating kami ng school tumakbo ako para habulin ang kakaklase kong si Maris.



"Bye! Kuya!"



"Dahan-dahan baka madapa ka. Hoy! may nakalimutan ka!" Sigaw niya. Tumakbo ako pabalik sa kaniya. Nagtinkayad ako para mayakap siya sa leeg at humalik sa pisngi bago tumakbo muli para habulin si Maris.



"Susunduin kita mamaya. Kapag may mang-aaway sayo puntahan mo agad ako." Ganto si Kuya palagi. Ako ang inuuna, sinusugarado na nasa maayos at hindi ako nahihirapan.



U'll always in my heart, Kuya. | One-shot StoryWhere stories live. Discover now