SIMULA

1 3 0
                                    

SIMULA

December 14, 2021

"Ngumiti ka naman, Anghelita," nakangiting sabi sa akin ni Angela sa halip na gawin ko ang nais niya ay binigyan ko lang siya nang kunot-noo.

"Kahit kailan talaga itong si Anghelita, napaka-bitter," ani naman ni Angelina at napapangiwi pa.

"Tingnan mo nga, Anghelita," sabi na naman ni Angela at kinuha ko sa kamay niya ang sandclock saka ko ito ibinaligtad at ibinaba sa mesa.

Malapad ang ngiti ni Angela at Angelina. Hindi ko talaga sila mawari. Kung ano ba ang mga naiisip ng mga ito.

"Muli kang magbabalik sa nakaraan, Anghelita. Kung saan nagsimula ang lahat. Nawa'y bumalik ang dating ikaw," ani sa akin ni Angela at sa isang kisap mata ko lang ay naglaho ang aming paligid na ikinagulat ko.

Sapagkat paanong nagawa ni Angela na maglakbay kami sa nakaraan.

"Ito ang siyang hindi mo pa napupuntahan, Anghelita."

"Ikaw na ang bahala sa magiging buhay mo rito. Isa kang taga-pamahala ng oras ng nakaraan at alam kong safe ka naman dahil may super powers ka."

"Wait!" sigaw ko nang bigla silang maglahong dalawa.

"Angelina! Angela! Bumalik na nga kayo!" sigaw ko sa kanila.

Sinubukan kong bumalik sa taong 2021, ngunit nabigo lamang ako dahil hindi yata umobra ang kapangyarihan ko.

Ako ang taga-pamahala ng oras ng nakaraan at nakaka-paglakbay ako sa ano lang taong pupuntahan ko.

Pero bakit naman ako dinala ng dalawang iyon dito?

Anong taon naman kaya ngayon? Ah! Hindi ko gets ang dalawang iyon, pambihira naman.

May isang binibini ang nasalubong ko at tinanong ko siya kung anong taon na ba ngayon at nagulat ako sa sinagot niya.

December 14, 1875.

Ang taon na hindi ko napupuntahan sapagkat iniiwasan ko. Hindi ko alam basta hindi maganda ang pakiramdam ko sa taong ito.

Tila may pighati, lungkot at kamatayan. 'Yan ang siyang nararamdaman ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Anghelita: Angel of Time (Unang Serye)Where stories live. Discover now