Sypnosis

20 2 1
                                    


Highschool pa lamang ay matalik ng magkaibigan si Clark Buencamino at Desiree Velasquez. Bagama't madalas silang mapagkamalang may relasyon, alam nila sa kanilang sarili na pagkakaibigan lang ang meron sila sa isa't isa. Platonic love, as what they say.

Ngayong nasa ikaapat na taon na sila ng Kolehiyo ay wala pa ring nagbabago. Madami ang nagdududa kung wala ba talaga silang nararamdaman sa isa't isa dahil sa ilang taon nilang pagkakaibigan ay pareho silang hindi nagkaroon ng karelasyon. Marami ang gustong sumubok manligaw kay Desiree pero hindi matuloy tuloy dahil naiintimidate sila kay Clark.

Isang lalaki lamang ang naglakas loob na mapalapit at manligaw kay Desiree – si Donovan Santiago.

Madalas pagselosan ni Donovan si Clark dahil sa pagiging malapit nito kay Desiree. Si Clark din ang madalas na rason kung bakit madalas ang pag-aaway ng dalawa. Upang solusyonan ito, sinabi na lamang ni Desiree kay Donovan na hindi straight si Clark. Hindi sigurado pero tinanggap na lamang ni Donovan ang palusot hanggang siya ay magdesisyon na akitin si Clark upang malaman ang tunay nitong kasarian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[Boys' Love] Bad LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon