TWOM 1:

530 21 7
                                    

 

"Astrid, hindi ako pala ako makakasabay sayo pag-uwi. Magkikita kasi kami ng mama ko sa mall. Ok lang ba sayo?" tanong sakin ng classmate at kaibigan ko na si Faye. 

Kakatapos lang ng huling klase namin which is English. Kaya naman nag-aayos na kami ng gamit namin.

"Ganun ba? Sige lang. Tsaka kaya ko naman umuwing mag-isa! Hindi na kaya ako bata!" sabi ko sa kaniya sabay pout.

"Haha. Kilala kasi kita no! Baka kasi kung saan-saan ka naman pumunta! Katulad nung last time!" sabi pa niya sakin. Then tumayo na kami at lumabas na sa classroom.

"Don't worry! Hindi na mangyayari yun. Na-curious lang naman kasi ako dun sa sinasabi ng ibang estudyante na magaling na manghuhula kaya hinanap ko. Alam mo na." pagpapaliwanag ko naman sa kaniya.

"Oh siya siya. Basta ha? Diretso ka sa bahay niyo. Ingat friend!" sabi ni Faye kaya naman tumango ako sa kaniya.

"Ikaw din!" sabi ko naman. Sa kabilang daan naman siya at ako sa kaliwa. Malapit lang kasi dito yung bahay namin. 

Ang pinsan ko lang na si Patrick ang kasama ko dito sa Maynila. Nung una hindi ako pinayagan ng mama ko na dumito para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Kesyo ang daming krimen na nangyayari dito at kung anu pa man. Buti nalang pumayag ang pinsan ko na samahan ako dito at ayun na-convince ko rin si mama na mag-aral dito.

Malapit lang naman sa skul yung bahay namin. Hindi naman kami mayaman at hindi rin mahirap. Kumbaga ay tama lang. 

"Wala ka ng kawala ngayon Andreus!"

Teka, ano yun? Boses ng lalaki yun ah. Na-curious naman ako kung saan nagmula yun kaya naman tumigil ako sa paglalakad at lumapit sa damuhan sa bandang kanan ko. Medyo gubat kasi dito. May usap usapan na may multo dito pero hindi naman ako naniniwala kasi wala pa naman atang nakakakita nun sa pagkakaalam ko. Hindi rin naman ako matatakutin.

Nang medyo pumaloob na ako sa gubat. May naaninag akong dalawang tao. Medyo malayo pa naman ako sa kanila. Ang bilis nilang kumilos. Tsaka teka, bakit may hawak silang espada?

Pero paano naman magkakaroon ng tao dito? Hindi kaya..hindi kaya sila yung multo? Kung ganun first time ko pala makakita nun. Bakit hindi man ako natatakot?  Malapitan nga.

Lumapit pa ako at nagtago ako sa likod ng makapal at malaking puno. Kaya naman medyo kita ko na yung pagmumukha nila.

Guni-guni ko lang ba ito? Tsaka bakit kakaiba ang kanilang kasuotan. Higit sa lahat, kapansin-pansin din ang kanilang itsura. Madami akong nakikitang mga gwapo sa eskwelahan ko pero itong mga taong nakikita ko ngayon? Hindi hamak sa mas higit pa sila. Almost perfect na kung tignan ko.

Yung isa kulay pula ang buhok then silver eyes. Yung suot niya ay hindi ko matukoy kung ano pero alam kong kakaiba. Brown naman ang buhok nitong isa at silver din yung mata? 

"Nagkakamali ka Eryx. Dahil hindi ikaw ang magwawagi ngayon. Kundi ako!" biglang sumugod yung lalaki  at akmang itutusok niya yung sandata sa lalaki na ngayon ay nakahiga na sa lupa. 

"WAG!!!" malakas na sigaw ko.

Napahawak ako sa bibig ko ng ma-realize ko ang ginawa ko. Sabay silang napatingin sakin at bakas ang pagkagulat sa kanilang mukha.

Hala. Bakit ako sumigaw? Baka ako naman ang susunod na papatayin. Paano nalang ang mga mahal ko sa buhay? 

Binaba nung lalaki yung espada niya at naglalakad palapit sakin. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The World of MagicWhere stories live. Discover now