Simula

65 6 6
                                    

Simula

Pasaway

"Gumising ka na riyan, disney princess!"

Ilang kalabog pa ang narinig ko sa pintuan ng kwarto ko bago ako sumuko at bumangon na. I know it is Natasha, my cousin, slash, personal assistant.

"What?!" Singhal ko sakaniya pagkabukas ko ng pintuan.

"May klase ka pa ng nine am! Major subject 'yon!" Singhal niya sa'kin.

Antok ko lang na kinusot ang mata ko saka ko siya mariing inirapan.

"I don't care," tamad kong sambit at pagsasarhan ko na sana siya ng pinto

"May long quiz kayo!" Sambit niya.

"I don't care." Taas kilay ko ulit na sagot sakaniya saka tuluyang inihambalos na isinara sa harapan niya ang pintuan saka ako tamad na humiga sa kamay ko.

Gagawan din namang paraan 'yon ng mabuti kong tatay. For sure, he will save me, over, and over again para maisalba ang kalinisan ng reputasyon niya bilang mayor ng probinsyang 'to.

Sobrang sakit pa ng ulo ko dahil sa hangover. Nag bar kasi ako kagabi kasama ang mga friends ko. Hindi ko nga alam kung papaano ako nakauwi. I was totally blocked out. But I know for a fact that even for a while, I escaped from the sadness.

After a few minutes ng pagkakaidlip ko, muli nanaman akong nagising sa kalabog ng pintuan ko. Mabilis na umakyat ang init sa ulo ko.

Salubong ang mga kilay kong nagmartsa papuntang pintuan ko. Binuksan ko ang pintuan at handa na sana akong sabunutan 'tong si Natasha nang makita ko ang lugmok niyang mukha.

"Rain, patay." She bit her nails. Mabilis namang nawala ang galit ko dahil mukha siyang nag-aalala.

"Who died?"

"Tayo," nangunot ang noo ko sakaniya. "Mamatay yata tayo."

"Pinapatawag ka ng Daddy mo sa office niya." Ngumiwi pa siya at saka nagpilit ng ngiti.

Bumagsak ang balikat ko saka ko siya inis na inirapan.

"Don't tell me, sasagot ka pa sa'kin ng 'I don't care' diyan, ha?"

Hindi kasi ako pinapatawag halos ni Daddy sa office niya. Aside from being a mayor, he is also a businessman. Kaya wala siya rito sa bahay lagi. The last time na pinatawag niya ako ay sumabog siya dahil muntikan akong makulong dahil nahuli ako ng pulis nang sumali ako sa isang race at muntik muntikang nabangga.

"Ano nanaman 'to, Rain?" Bungad nga sa akin ni Daddy pagkarating ko sa office niya.

Pinakita niya sa akin ang video sa laptop niya. I smirked when I saw that my friends and I were doing some body shots to strangers. I know it's not decent in my Dad's eyes, and for those people who know me in the bar, but as I look at myself in the video, it's like I want to hype myself more. That Rain was so happy last night. It's like he is not living a miserable life.

"Give me your keys." Maawtoridad niyang sambit.

"Oops. I'm sorry. Nakalimutan kong anak pala ako ng mayor." I sarcastically said and rolled my eyes after giving the keys of my car. Uh oh, I'm grounded.

"Anak, please bawas-bawasan mo ang paglabas. I've been receiving dead threats. Ayokong mabalitaan ko nalang na nadukot ka na nila." He said calmly.

Tinitingnan ko lang ang nails ko habang tamad na nakikinig sakaniya. Wow! So ulirang ama.

"I got low grades too. My tres ako sa card." I said confidently to him.

"Itatapon mo na ba ako sa New York?" Nakataas pa ang dalawang mga kilay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Guy In Hera CelestiaWhere stories live. Discover now