Chapter 8

119 2 0
                                    


(Play the media above to feel this chapter)

[Hoy sissy, ready ka na ba sa Saturday?]

Anong bang meron sa sabado?

[I knew it,nakalimutan muna ang contest] shit ang contest,nakalimutan ko dahil sa isang halik?I hate my self already,paano ako mag po focus nito kung iniisip ko parin iyon?okay self don't mind him..

[I don't, actually may naisip na akong kakantahin ko]sabi ko.

[Okay, focus kalang muna sa contest ha,and by the way are you okay now?]

Kahit may pagkamaldita ang bestfriend kong to,pero napaka sweet naman..I like her for Kuya Tup.

[I'm okay now,thank you]sabi ko naman.
Pagkatapos nang kamustahan at kunting daldal,napagpasyahan namin na magpahinga na,kakauwi niya palang daw galing sa school.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame ay takte may butiki.

"Butiki,sa tingin mo bakit ako hinalikan ni Kuya? Sa tingin mo may nararamdaman siya para sa akin?"
Napatigil ako sa muni-muni ko nang may kumatok sa pintuan ko.

"Anak,baba kana mag meryenda muna tayo"
Si mama pala ang kumatok.Bumangon ako at sinalubong ko siya ng isang pinakahigpit na yakap.Ewan ko basta gusto ko silang yakapin ni Papa.

Bumaba kami habang yakap ko ang bewang niya,dumating kami sa sala at nandon nasi Kuya at Papa na nakatingin sa amin na ganon ang pwesto.Nung nakita ko si Papa ay tumakbo ako at niyakap din siya.Im clingy right?mahal ko sila eh,anong magagawa mo..

"Nanglalambing ang prinsesa natin hijo,alam kong may kailangan ka"sambit ni Papa..grabe naman to,diba pwedeng malambing lang ang anak niyo.

"Papa naman,porket niyakap kayo eh may kailangan na agad,diba pwedeng gusto ko lang na yakapin kayo"pagmamaktol na sagot ko.

Tumabi si Mama,so bali ako sa gitna ni Mama at Papa tapos katabi ni Papa sa gilid si Kuya, na nakatingin ngayon sa akin.Ngumiti nalang ako para hindi awkward.

"How can I live my life without you by my side guys"emosyonal na sabi ko, tumingin naman silang tatlo sa akin na nagtatanong.I sighted heavy.

Umalis ako sa gitna ni Mama at Papa,at lumuhod sa harap nilang tatlo,napatakip pa si mama sa kanyang bibig dahil sa ginawa ko.Nag-uumpisa na akong maging emosyonal,hindi ko alam kong bakit?Napra-praning ako,feel ko anytime mawawala sila sa tabi ko at iyon ang ayoko kong mangyari.

"And I can't imagine how hard to breathe,to sleep, waking up every morning,to eat and to live, without your love,presence,hug and kisses that I wanted to feel for my entire life and until I die"sabi ko habang humahagolgol sa iyak.

Pumantay si Mama sa akin at hinawakan ang pisngi kong patuloy parin inaagusan ng luha ko.Pati siya ay umiiyak narin.

"Why you're always emotional baby?,Pinapangako namin ng Papa ninyo na palagi kaming nasa tabi ninyo.Kayong dalawa ang greatest gift na natanggap namin,at napaka swerte namin sa inyo mga anak"sabi ni Mama kaya yumakap ako sa kanya,tumingin ako sa direksyon ni Papa na nagpupunas ng luha,napabaling ang tingin ko kay Kuya na hindi nakatingin samin at sa ibang direksyon ito tumutingin at sumisingot.

"Uhm baby"biglang singit ni papa kaya napatango ako sa kanya."Sabi ng Kuya mo,may contest ka raw na sasalihan?"tanong nito.Ay oo nga pala muntik ko nang makalimutan sabihin sa kanila.

"Ay opo pa ni recommend ako ng mga kaklase, since ako daw ang palaging contestants ng singing contest ako nalang daw ang pipiliin nila"sagot ko naman.

F
A
S
T

F
O
R
W
A
R
D

Pagkatapos ng dramahan namin sa sala ay tumambay muna ako sa rooftop namin,mahangin dito kasi alas otso pasado na ng gabi. Friday na bukas at half day lang kami kasi may event na gaganapin,iyon nga yung contest sa mga 1st year college.Nakapatong ngayon ang dalawa kong siko sa railings at makikita ko dito ang bilogang buwan.Napakaganda nito,mapapangiti ka nalang ng kusa dahil sa ganda ng kislap nito.

Actually i like watching stars,and moon every night,kung baga sila iyong "bestfriend things"ko.Baliw na kung baliw pero sila iyong kinakausap ko pag masama ang loob ko.
Napapikit ako dahil biglang lumakas ang ihip ng hangin ang sarap sa pakiramdam.

"Gabi na ah,bakit nandito kapa"usal ng Kuya ko?bakit nandito siya?magpapahangin din ba?.

Diko na kailang tumingin sa kanya dahil tumabi na ito sa akin at ginaya ang posisyon ko.Naalala ko naman yung nangyari kanina,at sobrang napahiya ako don.Shit kailangan kong humingi nga sorry sa kanya kahit na kinuha niya yung first kiss ko ay ipagpapaliban ko nalang iyon.Hays ako na ang mag aadjust.

"Kuya sorry / Ries sorry" sabay naming usal.Kaya napatawa nalang kami.Yumakap nalang ako sa kanya at niyakap naman niya ako pabalik.

Sa harap ng buwan,ay nakatingin kami ang sarap sa pakiramdam dahil kayakap mo iyong taong mahal mo at sabay ninyong tinitignan ang buwan.

Sige nga,sabihin niyo sa akin paano ako titigil sa pagmamahal sa kanya kong araw araw ay makikita mo ang genuine na ngiti niya?

Gusto kong sulitin ang moment na ito,baka kasi dina ma ulit to.Baka sa ibang babae na niya ito gagawin at hindi na sa akin.

Gusto kong umiyak,pero pinipigilan ko kasi baka sabihin niya mukha akong baliw dito.

Baliw na baliw sa kanya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na kami sa kwarto namin.Nang nasa tapat na ako ng kwarto ko ay nilingon ko si Kuya na akmang papasok nasa kwarto niya,kaya pinigilan ko ito.

"Kuya?"sabi ko at kumapit sa manggas ng t-shirt niya.

"Hmm?"

"Pwede bang tabihan mo ko matulog?tanong ko kaya tumingin naman ito sa akin na nagdadalawang isip pa pero tumango ito kalaunan.
Nakapasok na kami sa kwarto ko at nauna akong humiga sa kama at siya naman ay humiga narin sa tabi ko.

Lampshade nalang ang nagsisilbing ilaw namin sa kwarto.Nakaunan ang dalawang kamay nito sa ulo niya at ako naman ay nakatingin sa kisame.Nakakabingi ang katahimikan.

"Kuya,pwede bang pag may nakilala kang babaeng mamahalin mo ay ipangako mo sa akin na ako ang pangalawang tao mong pagsasabihan"biglang sabi ko.Alam kong nagulat siya at maski ako ay nagulat din sa sinabi ko.

I just want to face the reality,the reality that he never love me the way I love him.At kung mangyari man to,I think I just love him from far away.Mamahalin ko nalang siya sa malayo at patago.

"O-o naman I promise"sagot nito.Ngumiti nalang ako para hindi niya mahalata ang pagkadismaya ko sa sagot niya.
"Matulog kana, goodnight"

"Goodnight din Kuya"sagot ko at tumalikod sa kanya.Naramdaman ko nalang na may ilang butil na luha ang tumulo bago ako pumikit.

Sana pagkagising ko ay ako na ang mamahalin mo kahit imposibleng mangyari iyon.

Ipagpapatuloy.....

KUYA(On-going)Where stories live. Discover now