SIMULA

633 28 1
                                    

SIMULA

“Ma’am, nadito na po tayo.”

Mula sa pagkakasandal sa kinauupuan ay marahang nagmulat ako ng mga mata, bago bahagyang umayos sa pagkakaupo. Habang isinisilid sa dala-dalang black purse ang cellphone, narinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan sa driver side ng kotse. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mabilis na paglapit ni tatay Berto sa pwestong kinauupuan ko.

Maya-maya ay marahang pumihit pabukas ang ang pinto sa gilid ko. I was contemplating whether to go or not and was asking myself. ‘Bakit ba ako nandito?’

Marahas na napabuga ako ng hangin at nagpagpasyang lumabas na ng sasakyan. Nang tuluyang makababa ay malayang iginala ko ang mga mata sa paligid at bumungad sa paningin ang isang enggrande at kilalang elite hotel.

Sa labas pa lamang ay kumikinang na ito. Tila kulay ginto na kumikinang at nang-aakit na pasukin. Nagsusumigaw sa karangyaan ang mahigit sampung palapag na gusali ng hotel. Tulad ng pagiging matayog nito gano’n din ang mga taong nagagawang maglabas-masok dito. Mga taong may kaya at hindi naghihinayang na maglustay ng salapi mabigyan lamang ng kaginhawaan ang mga sariling luho.

“Tumawag na lang po kayo kung magpapasundo na kayo, Ma’am.” Tinanguan ko lamang si tatay Berto nang magsalita itong muli matapos akong alalayan pababa ng sasakyan.

Suot-suot ang mamahaling red long lacy dress. Ang madulas na tela ng damit ay malayang humapit sa bawat kurba ng aking katawan at lumagpas hanggang sa talampakan ko. The draped neckline of the dress shows my cleavage which makes it more sexy and revealing. It also has a high slit on the right side showing my long flawless leg. My high ponytailed vanilla blonde dyed long hair, added to my very sexy and sophisticated look.

Matapos magpaalam ni ‘tay Berto ay nagsimula kong ihakbang ang mga paa. Ang marahang paghakbang ko ay sinabayan ng mahihinang tunog ng pabalik-balik na paglapat ng takong ng suot kong stiletto sa simento. Mayuming yumakap sa aking bahagyang nakabukas na likuran ang malaming na hangin ng gabi. Bawat lakad at maging ang galaw ko ay kalkulado habang tinutungo ang daan sa harap ng bulwagan.

Matapos maipakita ang invitation letter para sa idinadaos na party ay kaagad na magalang akong iginiya ng isang staff papasok sa pagdadaosan. Nang matapos akong igiya nito ay kaagad ding yumukod at nagpaalam bago umalis.

Mabigat na napabuntong hininga ako nang mapag-isa, mariing ipinikit ang mga mata upang subukang pakalmahin ang sarili. When I successfully calmed myself, I slowly opened my eyes again. With my resting bitch face and cold expression, I slowly entered the wide hall gaining lots of attentions.

Mga nagkikislapang flashed ng camera ang sumalubong at sandaling bumulag sa aking mga mata. With my chin held high, tulad ng isang modelo, puno ng kumpyansa sa sariling nirampa ko mahabang red carpet.

May iilang photographer ang sumubok harangin ako upang kuhanan ng litrato, ngunit hindi ko binigyang pansin at bastang nakadiretso lang ang tingin. Not minding the people staring around me. I know that most of the people inside the party already know me. I could even hear some hate comments that secretly made me smirk.

“Ysaballe!” rinig kong tawag ng kung sinuman mula sa ‘di kalayuan sa kabila ng medyo may kaingayang paligid, dahil sa malamyos na musikang pinapatugtug at maging ng mga taong may kanya-kanyang pinag-uusapan

Marahang at tahimik na iginala ko ang tingin sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng boses na kaagad ko ring nahanap. Nakuha ng nakangising pagmumukha ng kaibigang si Jennica ang atensyon ko, bahagyang nakataas pa at iwinawagayway nito ang kamay sa ere.

“I thought, hindi ka na sisipot,” may halong pang-aasar na bungad niya sa akin nang makaupo ako sa harapan niya.

I just shrugged. “I have no choice,” walang buhay na sagot ko na nakapagpasimangot sa kanya.

Give Me Love Series 1: Breaking Her Wall (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon