Chapter 1 (Part 11)

254 52 36
                                    

Tumugon ako kay Ellena na "Oo naman pwedi mo akong maka usap."

Tiningnan nya ang bahay na kahoy na aking tutuluyan, mayroon itong ikalawang palapag at sa taas nito ay mayroong terrace.

Napag pasyahan naming dalawa na sa loob ng bahay na kahoy nalang kami mag uusap sa Ikalawang palapag sa Terrace.

Nang marating namin ang Ikalawang palapag na mayroong Terrace ay bumungad saamin ang magandang tanawin ng isang bundok at kagubatan.

Kita din dito ang magandang kalangitan at mga nag niningningang bituin, at ang dalawang maliwanag na buwan.

Nag pa salamat saakin si Ellena sa pag tulong namin sa kanilang Tribo.

Tumugon ako sa kanya na hindi lang dapat ang iyong pa salamatan, malaking bahagi nito ang aking mga kasamahang Monster.

Tumugon siya ng ngiti saakin at sinabi din niya na bukas na bukas ay opisyal siyang mag papa salamat saaking mga kasamahang Monster.

Inihayag din saakin ni Ellena ang kanyang sa loobin sa nang yaring gyera kanina, hindi daw siya maka paniwala na tinalo namin ang malaki at malakas na pwersa ng mga Purpleman's Beast.

Ikinuwento din niya saakin ang iba't ibang kaganapan na nangyari na sa kanilang kontinente.

Na kwento niya rin saakin na namatay ang kanyang Ama at Ina sa digmaan, parehas daw Mandirigma ang kanyang Ama at Ina.

Ibinahagi din saakin ni Ellena na ginusto daw niyang maging babaeng Mandirigma ngunit nakita ang kanyang kagandahan ng isang Elder ng kanilang tribe at kaagad siyang napasama sa mga kandidato bilang isang Reyna.

Dumaan daw siya sa mga mahihirap na pag subok isa na rito ang matinding pag sasanay sa Intellectual, Emosyonal at Pisikal.

Kailangan niyang isipin ang kapakanan ng kanyang tribo kesa sa kanyang pang sariling kapakanan.

Sa huli siya ang napili bilang bagong Reyna ng kanilang Tribo.

Madaming ibinahagi na personal na impormasyon saakin si Ellena mga masasayang ala ala at mga malulungkot.

Nai kwento niya rin saakin na hindi siya masaya sa pagiging Reyna ng kanilang Tribo.

Ngunit sa lahat ng ikinuwento saakin ni Ellena ay mayroong nag pagalit saakin ito ang malaman ko na bigla siyang ipinag kasundo ng kanilang mga Elders sa isang Demon Beast General, na nag ngangalang Wor- Zak.

Kailangan niyang pakasalan si Demon Beast 5th General Wor- Zak upang matiyak ang kaligtasan ng kanyang Tribo sa palad ng Diabolus Demon Beast Tribe.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot ni Ellena at hindi niya rin maiwasan ang pag iyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit at wala akong sinabi sa kanya.

Sabay naming pinalipis ang gabi sa kwarto sa ikalawang palapag ng kahoy na bahay.

Mag kayapos kami at mag kaisa ang aming damdamin habang pinalilipas ang tahimik na gabi.

(Kina Bukasan)

Nagising ako sa tilaok ng isang manok.

Nang maimulat ko ang aking mata ay nakita ko si Ellena na mahimbing na natutulog saaking bisig.

Hinayaan ko muna siya maka tulog ng ilan pang sandali.

Mukhang ngayon lang siya naka tulog ng husto.

Iniisip niya siguro kada gabi ang mga suliranin ng kanyang tribo.

Maya maya pa ay nagising na siya, isang pag bati ng magandang umaga ang aking nadinig sa kanya, sinuklian konaman ito ng isang halik sa noo.

Pag katapos ng tagpong iyon ay sabay kaming bumaba sa dalawang palapag na kahoy na bahay.

The Story of the 1st DiscipleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant