First and Last Part ❤️

49 3 0
                                    

Now Playing - Patawad by Moira

6 months pagtapos ng break up namin, tinawagan niya ako. Nandito daw siya sa Baguio at gusto niya akong makausap. I was hesitant at first, pero wala na akong magagawa. Gusto ko din naman siyang makita dahil eto yung una naming pagkikita.

Unang pagkikita? Yup! We met online. LDR for 2 years and 4 months then we broke up without seeing each other personally. It didn't work, napakahirap.

Nandito kami sa mall sa Baguio, nasa terrace kami nagkita, overlooking the city. 5 pm na and the sun is starting to set. It was colorful, it was so peaceful. I love sunset more than sunrise. Why? Because it reminds me that endings can be beautiful too.

"Kamusta ka na?" Tanong niya. Ramdam ko yung titig niya sakin pero nakatingin ako sa makulay na kalangitan. Ramdam ko yung hangin na humahampas sa mukha ko.

"Eto, still the old me pero ngayon di ko na dinidepende yung sarili ko sa iba. I am also studying law. Pursuing my dream." I smiled and look into his eyes. Malungkot yung mata niya pero nakangiti siya.

"Im so proud of you. But I have a question. Bakit di mo ako hinabol? Bat di mo ako pinaglaban?" Bumuntong hininga ako sa tanong niya at tumingin ulit sa kalangitan. Napatulala na lang ako at inalala kung bakit nga ba di ko siya pinaglaban.

"Gusto kitang ipaglaban pero that time alam kong wala na, kasi kahit ipaglaban kita, iba na yung laman niyang puso mo. Kaya kahit sobrang mahal kita hindi na pwede, kahit gaano ko kagustong bumalik sa dati, wala na. Kasi hindi na ako yung laman niyan, bago na." Pumikit ako para pigilan yung luha kong gustong tumulo.

"Yun na yung pinakamatapang kong ginawa. Yung pabayaan ka na lang kasi may iba na." Matamlay akong ngumiti at tumingin sa kanya. We broke up January 5, 2022, it was a mutual decision. Naalala ko nasa trabaho ako that time, hindi ako pumasok just to talk to him and make everything clear

***
"Mahal kita. Wala na ba talagang pag asa?" Umiiyak kong tanong sa kanya habang mag isa ako sa court malapit sa work ko. Gabi na dahil night shift ako at ramdam na ramdam ko ang lamig lalo na January ngayon, isa sa pinakamalamig na buwan sa Baguio.

"Mahal kita pero nakapag invest na ako sa kanya." Pumikit ako sa sagot niya at pinigilan yung paghagulgol ko.
***

"Nagalit ka ba sakin Mary?" Tanong niya. Hindi niya pa din inaalis yung tingin niya sakin. Ayaw kong tumingin sa kanya dahil alam kong iiyak lang ako.

Huminga ako ng malalim. Nagalit nga ba ako sa kanya?

"Oo? Siguro? Naiintindihan ko na nagawa mong humanap ng iba, alam ko dahil nawalan ako ng oras. Hindi ako nagalit na nakahanap ka ng iba, nagalit ako kasi hindi mo inintindi yung dahilan kung bakit ako nawalan ng oras." Pumikit ako para pigilan yung luhang nagbabadya.

"Nagalit ako kasi kahit ilang beses mo akong niloko noon, hindi ako naghanap ng iba. Kahit ilang beses kitang nahuling may kausap na babae, pinagpalit ba kita?"

"Nagalit ako kasi nagstay ako kahit ilang panloloko ang ginawa mo. Nagalit ako kasi hinihintay kitang suyuin ako, pero sa iba mo na pala ginawa. Nagagalit ako kasi ang bilis mo akong pinalitan. Nagagalit ako kasi mahal na mahal kita at di kita kayang iwan pero dahil sa mga picture na may kasama ako na kawork ko nagawa mo ng humanap ng iba. Minahal kita kaya never akong nagtanim ng sama ng loob sayo. Never kong inisip na magsuffer ka, kasi mas masasaktan ako kapag nakita kitang malungkot. Kasi yung love ko, totoo kahit wala akong pakielam, yung puso ko totoo." At tuluyan na ngang bumitaw yung mga luha ko.

"Pero yung galit na yon nawala na lang lahat nung iniyak ko lahat kay Lord. Tinanggap ko na di na tayo para sa isa't isa. Yung mga plano ko para sa atin, ginawa ko para sa sarili ko." Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa langit, pero madilim na ngayon. Tanaw mo na ang mga ilaw dito sa taas ng mall.

Hindi siya nagsasalita. Parang may malalim na iniisip. Katahimikan yung bumalot sa amin.

"Mark. Hindi ako nagtanim sayo ng sama ng loob kasi minahal kita. Hiniling ko pa din kay Lord na sana maging maayos ka. Diba you remember I told you na ichachat ko yung new girl mo to tell her everything? I never do that because I wanted you to be happy. Pinabayaan kita kasi wala na din akong magagawa. Gusto kitang maging masaya kasi mahirap sa atin maging masaya. Masyado tayong malayo sa isa't isa, napakahirap ng sitwasyon." Hinarap ko siya at nginitian. Kita ko yung lungkot sa mga mata niya. Inextend ko yung kamay ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Matagal ko na tong gustong gawin, yung mayakap ka. Ang hirap lang dahil magkalayo tayo. Ngayon nayakap na kita at alam ko masaya na tayo sa pinili nating buhay. Masaya na ako at alam kong masaya ka na din. Alam kong huli na ang lahat para satin, at pasensya kung ngayon ko lang masasabi sayo to, sobrang proud ako sa mga narating mo sa buhay. Masaya ako na naging seryoso ka na sa babae. Masaya ako na naabot mo na lahat ng pangarap mo. At mas masaya ako kasi naging masaya na din ako. Salamat, kasi kung hindi ka umalis hindi ko matututunang mahalin yung sarili ko." Inalis ko na yung yakap ko sa kanya at ngumiti. Nakangiti na din siya pero ramdam ko yung lungkot naming parehas.

"Kung sa susunod na magkita tayo, sana okay na. Sana parehas na tayong masaya. Sana naging maayos yung paghihiwalay natin. Na sana walang sama ng loob. Na sana parehas na maging masaya yung puso natin. At sana maging masaya tayo sa buhay na parehas nating pinili. Na kahit di man natupad yung pangako natin sa future natin, tupadin natin sa iba, yung taong bago nating mamahalin."

"Salamat Mark. Paalam." Tumalikod na ako at dahan dahang umalis. Nung medyo nakakalayo na ako ay lumingon ako, nakatingin pa din siya kaya kumaway na ako at ngumiti at nagpatuloy maglakad palayo.

Gumaan yung pakiramdam ko. Wala na yung bigat. Eto na yung huling paalam bago ako umusad at mas maging masaya. Eto na yung closure na hinihintay ko. Yung masabi ko sa kanya lahat.

I can now move forward...

================END================

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Mar 02, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

ClosureWo Geschichten leben. Entdecke jetzt