FIRST

5.2K 126 17
                                    

YURIKA POV

Alak dito. Alak doon. Inoman dyan, Inoman dito. Normal nayan na makikita mo pag nasa Bar ka. Malakas na tugtugan na kung saan pag hindi mo nilakasan ang boses mo pag may kinakausap ka ay hindi mo na maririnig. At ang magkahalong amoy ng usok, at ang nakakasilaw na neon lights.

Mabuti nalang ay sanay nako kaya no worries. I was sitting here in the counter habang kaharap ang alak na inorder ko. I can't help to smile bitterly as i remember what happend on me this week.. It was too painful to bare, that i wish it was just a dream

"K-uya, isa p-panga" utal kung saad sa Bartender at nagtaas pa ng kamay, kahit medyo nanlalabo na ang mga mata ko ay nakita ko parin naman ang pagtango nito kaya binaba ko na ang kamay ko

I've been on this bar for three days already. Lasing sa umaga at gabi ang ginawa ko nalang. Wala nakong pake sa atay ko,o kung maging sanhi pa ito ng pagkamatay ko. All i want was to fade the pain who's breaking my soul and heart into pieces over and over again. I'm tired

Naglapag ng panibagong alak ang Bartender sa harap ko and i smirk bago tutugain na sana ng may kamay na humablot saakin nito. Inis naman akong tumingin sa likod ko para makita kung sino iyon... It was my cousin Lizzie

"ANO BA YURIKA SHANE FERNANDEZ, TUMIGIL KANA KAKAINOM AT BAKA IKAPAHAMAK MO PAYAN!" I heard here say angrily pero walang gana ko lang itong tinignan tsaka inikotan ng mata

"So w-hat?, I do-nt..care" lasing kung anas at aabutin na sana ang alak na nasa kaliwang kamay niya ng ilayo niya ito sa akin

"ANO BANG NANAGYAYARI SAYO? HINDI KA NAMAN UMIINOM!" galit nitong saad pero nag-tsk lang ako at tinalikuran siya

Sinenyasan ko nalang ang Bartender na alak ulit. I can still feel my cousin's presence sa likod ko, galit parin ito. Well who cares?

"Just go..h-ome Lizzie" pagod kung anas at rinig ko ang pagak na pagbuga nito ng hininga, mukhang hindi makapaniwala

"BALIW KABA!? FOR GODSAKE YURIKA NILULUNOD MO NA ANG SARILI MO SA ALAK, NI HINDI KANA NGA UMUUWI.." galit niyang sigaw pero binalewala ko iyon, why does she cares anyway?

"ALAM MO BANG HINAHANAP KANA NILA TITO AT TITA? HINDI NA NILA ALAM ANG GAGAWIN SA PAGHAHANAP SAYO, AT NANDITO KALANG PALA SA P*NYETANG BAR NATOH" sigaw nito ulit at nabingibingihan lang ako

Sa tingin niya ba hindi ko alam yun? Of course I know, nakailang missed calls at texts na sila saakin pero inooff ko ang phone ko. Pagbubuksan ko naman ay mga isang minuto lang, kung timing naman ay hinahayaan ko lang na mag-ring. I just wanna be alone..for now

"TARA NA UUWI KANA" saad nito at hinawakan ang kamay ko at akmang hihilain na niya ako ng binawi ko ang kamay ko sakaniya

Pinagtitinginan na kami ng ibang mga narito na malapit lang ang table sa counter. Kahit ang Bartender nakatingin narin saamin. Nakatayo ito habbang dala-dala ang alak na alam kung saakin. Umupo ako ulit sa counter senenyasan itong lumapit para ibigay sa akin ang alak

"U-umuwi kang mag-isa mo Lizzie, hayaan moko rito" malamig kung saad bago tinuga ang isang baso ng alak at napapikit ng nilagok ko ito, senenyasan ko naman ang bartender ng isa pa

Ramdam ko ang paglapit ni Lizzie saakin. Pero ipinagsawalang bahala ko nalang yun. Ayuko siyang patulan dahil alam kung concern siya, pero sana maintindihan niya rin ako

"Is this your way to forget Yuri?" Even though the music inside the bar is loud i clearly heard her say that..

Hindi naman ako sumagot sakaniya. Obvious naman siguro bakit niya pa naitanong?

"Stop Yuri, mas ipinapahamak mo ang sarili mo dito. May iba namang paraan eh.." nagsusumamong anas nito at hinawakan pa ang balikat ko pero iniwas ko iyon

Till We Meet Again Where stories live. Discover now