AVYANNA'S POV
"Kuya..." Biglang tawag ko kay kuya. kumakain kami ngayon ng almusal
Nag angat ito ng tingin sa'kin at taka akong tiningnan
"Bakit?" Tanong nito at nagpatuloy sa pagkain habang hawak ang isang cellphone tila may tinitingnan doon
"Kilala mo ba kung sino si Becca?" Tanong ko rito. Nakita ko kung pa'no ito natigilan at matagal na napatitig sa pagkain niya bago iangat ang tingin sa akin
"Bakit mo natanong?" He asked bago ako bigyan ng seryosong tingin
"May napanaginipan kasi ako... na kasama ko siya habang sinusundan namin si Jeremine"
"It's just a dream Av, baka kakaisip mo 'yan" walang emosyon na sabi nito at nag patuloy sa pagkain
Siguro nga panaginip lang 'yun. Feeling ko lang siguro na totoo 'yun, pero hindi talaga
Tahimik naming natapos ang pagkain, napatingin ako kay kuya, nang lumabas ito at pumunta sa sasakyan niya
Sa'n 'to pupunta?
Sumilip ako sa bintana at nakita ko kung pa'no niya pinaandar ang kotse niya at walang kahirap hirap iyong pinaharurot paalis
Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa may garden.... ewan ko pero parang bawat sulok ng bahay na'to ay nakita ko na noon, pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nakakapunta rito kahit isang beses
Siguro dahil sa pagod lang 'to kahapon dahil tambak talaga 'yung ginawa naming mga project and lesson
Astang mag lalakad na ako ng biglang mag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yun at tumambad sa'kin ang isang unknown number
Kahit nag tataka ay dahan-dahan kong sinagot iyon at itinapat sa tainga ko
"So it's true na nandito ka sa manila..." Napakunot ako ng noo dahil sa bungad n'ya sa'kin mula sa kabilang linya
Sino 'to?
"S-Sino ka?" Tanong ko
"Lumabas ka ng mansion kung gusto mo malaman kung sino ako, i'll give you 5 minutes" saka nito binaba ang tawag kaya napatingin ako sa cellphone ko
Sino 'yun? Bat biglang tumatawag? Hindi naman siguro nang ti-trip 'yun...
Agad akong naglakad papunta sa pinto. Onti-unti ring bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at pag-aalangang malaman kung sino ang nasa likod ng pintong iyon
Nang makatapat ako sa pinto ay dahan-dahan ko 'yung pinihit para mabuksan
At halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang nasa harap ko. Ba't siya nandito? At pa'no niya nalaman ang phone number ko kanina?
"J-Jamela..." Tawag ko sa pangalan nito sa mahinang boses
Nakita ko ang pag silay ng ngisi niya.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang ganda n'ya at ang sexy niya sa suot n'yang black fitted dress
"Bakit ka 'andito?" I ask softly
Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay n'ya at lumapit sa'kin hanggang sa maging onti na lang ang distasya namin sa isa't -isa
"kaya pala lumalayo sa'kin si Jeremine dahil nandito na naman ang babaeng epal sa mundo namin" nakangising ani nito pero mahihimigan mo ang pagiging sarkastiko nun
"A-Anong sinasabi m-mo?" Halos utal na tanong ko. Bahagya rin akong umarong dahil sa takot na nararamdaman ko
Ayoko ng away
![](https://img.wattpad.com/cover/301782332-288-k145451.jpg)
YOU ARE READING
The Badboy's Innocent Girl
RomanceCompleted Isang inosenteng babae na si AVYANNA ROCCE nagmula sa province at umuwi ng manila dahil sa biglaang pag kamatay ng lolo at lola nito. Pag uwi niya ng manila ay nakilala niya si JEREMINE ZEPRANTA. Isa siya sa kaibigan ng kuya nya. Pero sa...