Wild:Chapter 6

15K 262 71
                                    

Chapter 6

Mabilis akong naligo at naglinis ng katawan. May kaunting kirot pa rin ako na nararamdaman sa butas ko. Lalo na kapag naiipit ko natatamaan ito.

Pagkaligo ko ay kinatok ako ng maid sa silid ko. Pinapababa na raw ako ni Tita Rina dahil mag-aalmusal na.

Kaagad na akong nag-ayos ng sarili ko saka ako sumunod sa kusina kung saan naabutan ko si Tita Rina sa may puno ng mesa na nagbabasa ng magazine.

Katabi naman niya ang nakatalikod na si Kuya Kiel. Katabi nito si Renz at nasa kabilang side naman si Kuya Jordan sa harapan mismo ni Kuya Kiel.

Nang maramdaman nila ang presensya ko ay mabilis na nagbaling ng tingin sa akin sina Tita Rina at Kuya Jordan. Hindi ko siya matingnan sa mata dahil sa nangyari kagabi.

Isang matamis na ngiti ang iginawad sa akin ni Tita Rina saka niya ibinaba sa mesa ang hawak niya na magazine.

"Sumalo ka na sa amin dito, Jude. Maupo ka sa tabi ng Kuya Jordan mo." sabi niya.

Napasulyap naman ako kay Kuya Jordan na sa akin pa rin nakatingin. Sa akin na rin nakaharap ang ulo ni Renz pero si Kuya Kiel ay hindi man lang nag-abala na sulyapan ako.

Nakita ko na tinapik ni Kuya Jordan ang silya na katabi ng sa kanya saka siya nagsalita. "Dito ka na. Wala si Addy kaya ikaw na ang umokupa sa pwesto niya."

Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Hindi man lang magawang ngumiti ng gago samantalang kagabi ay todo ngisi siya habang binababoy niya ako.

Pero hindi ko maiwasan na kumislot ang tumbong ko dahil sa nakikita kong ayos niya. Naka sando lang siya na kulay puti at lantad na lantad sa mga mata ko ang kakisigan niya. Lalo na ang malalaki niyang braso na batak sa muscles.

Ilang beses bumuka ang malanding butas ko hanggang sa bahagya akong napangiwi. Aray! Shit! Makirot. Bakit ba kasi ang lalaki ng daliri ng mga Velasco na to? Kasing laki ng pagkalalaki nila.

Mabilis na akong naupo saka na ako kumuha ng pagkain ko. Inabutan naman ako ng kanin ni Renz at naiilang man ako sa kanya dahil sa kakaibang mga tingin niya ay nagpasalamat pa rin ako.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Hindi ka ba namahay?" masiglang tanong ni Tita Rina habang patuloy na kami sa pagkain.

"Nakatulog naman po. Sa totoo nga po ay napahimbing ang tulog ko. Napagod po yata ako kahapon." sabi ko.

Naramdaman ko na sumulyap sa akin si Kuya Jordan nang marinig niya ang huling sinabi ko.

"...sa biyahe." dugtong ko para hindi magmukhang double meaning ang sinabi ko.

Natawa naman si Tita Rina. "Naku napagod rin si Benjie. Kagabi pag-akyat ko sa silid namin ay tulog na siya."

"Nasaan nga po pala si Ninong?" tanong ko nang hindi ko siya nakita sa hapag.

"Naku maagang pumasok sa office. May importante raw na aasikasuhin." sagot niya. "Siya nga pala, hindi ba pupunta ka sa school ngayon?"

Tumango ako bilang sagot dahil nagsisimula na akong kumain.

"Kiel, isabay mo na si Jude patungo sa school niya. Ipapasundo ko na lang siya mamaya kay Arjay." ang tinutukoy niya ay ang driver niya.

Nakita ko na si Arjay kahapon. Hindi siya kasing gwapo ng mga Velasco pero malakas ang dating niya at maganda ang katawan.

Nakaumbok kahapon sa fit na tshirt niya ang malalapad na dibdib niya pati na ang malalaki niyang utong.

Kung hindi lang sana nakaharap kahapon ang ibang maids ay baka nagahasa ko na rin ang lalaking iyon.

Niyari ni Addy Series #2 - WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon