Chapter 65

130 8 0
                                    

 A Better Day


RHEILA'S POV


"Once more, congratulations to Ms. Jiemmelyn Rheign Uela V. Garcia for taking home the first place in the English category for News Writing and congratulations as well as to the Division of Laguna! See you at the National Schools Press Conference! We consider it an honor to have you. Keep up the heartfelt writings!"


Napangiti na lang ako habang maiiyak na dahil sa tuwa! Nanalo ulit ako! Jusko, totoo ba 'to? Akala ko kanina hindi tatawagin 'yong pangalan ko dahil alam ko sa sarili ko na sobrang hirap no'ng topic at hindi ako sure kung tama ba 'yong naisulat ko! Sabi ko rin sa sarili ko, okay lang kahit hindi manalo dahil masaya na ako na nakaabot ako ng Regional. Tapos ngayon, nanalo ako?! Jusko, simple at sakto lang 'yong dinasal ko kay Lord pero sobra 'yong binigay niya sa akin!


Ngumiti pa ulit ako sa camera sa harap ng stage dahil ang daming camera sa baba! Katabi ko rin si Cloud ngayon dahil nanalo rin siya! Jusko, ang saya-saya! Pero sayang, hindi ko narinig 'yong pangalan niya. Nag-C.R. kasi ako kanina tapos pagbalik ko nakita ko na lang siyang nasa taas at pagkatapos no'n, bigla na lang tinawag 'yong pangalan ko!


Si Andrei naman ay hindi nanalo pero todo support siya sa amin at kita ko sa mata niya na proud siya sa amin. Nang makababa naman kami ng stage ni Cloud ay agad akong lumapit sa kaniya at nagulat na lang din ako sa sarili ko dahil niyakap ko siya bigla!


"Congrats! Oh my gosh, panalo tayo!" Tuwang-tuwa na sabi ko habang nakayakap sa kaniya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko pero agad ko ring naramdaman na niyakap niya ako pabalik.


"Y-yeah, we won... Congrats!"


"Hoy, ano 'yan! Ang daya, ah! Hindi lang ako nanalo, hindi na ako kasali sa yakap!" Natawa kaming dalawa sa pagtatampo ni Andrei sa likod namin kaya sinama na namin siya sa yakapan namin. Sandali lang 'yon at agad na rin kaming bumitaw.


Pinagmasdan ko pa 'yong medal na suot ko at certificate na hawak ko habang maiiyak. Nakakaiyak naman kasi talaga, e! Bigla ko namang naalala 'yong pamilya ko at si Lucas. Siguro, si Mama, maiiyak na naman 'yon dahil sa tuawa! Si Lucas naman siguro, paulit-ulit na namang magsasabi ng 'I'm so proud of you'.


Next month na rin 'yong National Schools Press Conference dahil kadalasan 'yong ginaganap tuwing February. January 29 ngayon at bukas ay January 30. May January 31 rin bago sumapit ang February. Siguro mga last week din ng February gaganapin 'yong NSPC.


Bukas pa ang uwi naman ng maaga dahil hapon na ngayon at kung ngayon kami aalis ay baka hanggang madaling araw ay nasa byahe pa rin kami. Nagpicture-picture pa naman muna kami ng mga Coaches namin at nang matapos ay pumunta kami ng restaurant para mag-celebrate. Libre ng Coaches kaya walang problema. Bago naman kami umalis ay kinuha ko pa 'yong violet cap ko sa bag at sinuot. May dala ring cap sila Cloud kaya sinuot din nila 'yon.


"Matchy-matchy," sabi ni Andrei habang nakatingin sa aming dalawa ni Cloud!


Nagkatinginan naman kami ni Cloud at pareho kaming nagulat nang mapansin na parehas kami ng kulay ng cap! Violet din 'yong kaniya at gano'n din 'yong sa akin! Pareho na lang kaming natawa sa isa't isa habang nailing. Nagpalit na rin muna kami ng damit at nakasuot lang ako ng white puff sleeve crop top, light blue high waisted jeans at sneakers. Pwede naman nang magsuot ng ganito dahil hindi naman medyo revealing ang suot ko at tapos na rin naman ang contest.

Sweetest DeceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon