Chapter 5

2 2 0
                                    

Grey's POV.

That cheater. Alam niyang gusto ko si Avi matagal na and now i'm ready to pursue her Kuya Drey get along my way. Aish. Alam kong gusto niya si Avi pero hindi pwede. Sakin si Avi, hindi ko siya pag aari pero sinisigurado kong sa akin siya babagsak. Kung hindi patas si kuya, i can't swear i will not do anything to him, either he's my brother.

Kapatid? Tsk.

I pity him. He really think we're same.

"Kuya anong ginagawa mo dito?" si Trebb.

"Ikaw bakit ka nandito, you have classes right"

"A-ahh wala heheh, hinahanap lang kita"

"What for?" bumaling ang tingin ko sa kanya mula sa babaeng tinitignan ko.

"N-nothing, nakalimutan kona eh, sige b-bye"

Kumaway pa ito bago umalis. Trebb is his brother, opposite attitude of Drey and me. Masaya siya sa lahat habang ako ay walang pake sa lahat at si Drey naman galit sa lahat. That's really weird. Hindi kami close sa isa't isa hindi gaya ng ibang magkakapatid. But Trebb is a jolly one, he always stick us together. Psh. Bonding daw.

Hindi ako galit sa mga kapatid ko, sadyang wala lang talaga akong pakealam. Dahil ayoko rin nang pinapakialaman ako.

Bumaling ang tingin kong muli kay avi, nakadungaw siya sa bintana at kitang kita ko ang pagkaburyo niya sa klase nila mula rito sa rooftop na kinatatayuan ko.

I really like her. She's simple as you think, walang arte. Walang reklamo sa lahat kahit ano or kahit sino. She definitely different to others. And that's make her unique. I smiled.

___

Avi's POV.

Ang weird. Feeling ko may nakatingin sakin. Inikot ko ang paningin upang tignan ang mga kaklase ko pero lahat sila ay nakatingin sa harap at nakikinig. Napabuga na lamang ako ng hangin. Siguro nababaliw na rin ako, nahawa ako sa kabaliwan ng trevencio na iyon. Hayss.

Hindi ko namalayan tapos na pala ang klase, hindi raw magtuturo ngayon ang kasunod na prof. Kaya maaga kaming makakauwi. Tamad akong tumayo at iniligpit ang aking gamit. Bago isabit sa aking balikat ang bag na dala. Bumaling pa muna ako kay sam na nagliligpit narin.

"Mauna nako sayo sam, Magrereview pa kasi ako sa bahay para may maisagot sa darating na test"

"H-ha?" utal na sagot niya.

"Ayos kalang ba? Para ka kasing kinakabahan na hindi malaman ang gagawin, may problema ba?"

"A-ano, W-wala! Wala" madali nitong kinuha ang gamit at naglakad palabas. Kumaway ito sa kanya bago nagpaalam na mauuna na.

Ipinilig niya ang ulo sa pagtataka sa turan ng kaibigan, weird. Lahat nalang sila ang weird. Nagsimula nakong maglakad palabas ng harangin ako ng asungot.

"Bakit? Uuwi nako"

"Alam ko, kaya nga akin na ung bag mo, ako na magdadala, tapos ihahatid na kita sa bahay niyo"

"Hindi na kailang--"

"You heard him Kuya, Hindi na raw, i drive her home. Don't worry kuya she'll be safe with me" si Grey

Kinuha nito bigla ang Bag ko at hinigit ako sa pulsuhan bago nagumpisang umalis. Hindi pa kami nakakalayo ay may humigit sa isa pang braso ko. Si Dreyser.

Magkasalubong na naman ang kilay nito at masamang nakatingin sa kamay ni Grey na nakahawak sa akin. Lalong kumunot ang noo nito at bumaling sa kapatid.

"Let her go" si Dreyser.

Owned By Trevencio'sWhere stories live. Discover now