02

4.3K 151 164
                                    

02

I've never had any boy friends. It's because no one attempted to approach me and befriend me. Kung may mag-a-approach man saakin ay palaging nagsasabi na gusto nila ako. Pero dahil wala nga akong interest sa kanila ay salamat lang ang lagi kong sagot, tapos kinabukasan makikita ko nang may ibang pinopormahan 'yung nagconfess saakin.

I sometimes asked Viri and Krystan, talaga bang gano'n ang lalaki kapag hindi nakuha ang gustong sagot galing sa babaeng nagugustuhan?

Sabi ni Krysanthe gano'n daw ang lalaki kapag hindi naman seryoso.

Paano ba malalaman kapag seryoso ang lalaki? Tama bang magconfess sa isang babae tapos hindi ka naman pala seryoso?

Kung gano'n pala ibig sabihin, men are a bunch of assholes.

Nakakatakot siguro para sa babaeng magkagusto at mahulog sa lalake kapag hindi mo naman sigurado 'yung nararamdaman sa 'yo ng lalake. And vice versa if babae ang nagconfess sa lalaki.

Love is complicated.

And I don't want more complications in my life. Ang dami ko na ngang problema sa pamilya at school, dadagdagan ko pa ng love?

"Good morning, Miss Ma'am!"

Tiningnan ko si Arthfael na ngiting-ngiti sa harapan ko. Kasing taas ng sikat ng araw ang energy niya sa umagang ito.

"Good morning," I replied, my face perplexed.

He kept smiling at me while I was confused about what he was doing here at the library this early. This is so unsual dahil ngayon ko lang s'ya nakita rito sa library at dito pa s'ya mismo nakaupo sa madalas kong inuupuan.

"Bakit?" Tanong niya nang mapansing nakatayo lang ako sa harapan niya habang yakap-yakap ang libro ko.

"That's my usual seat, kasi..." I answered.

He gave me a nod. "Oo nga, Miss Ma'am. Upo ka na,"

Kumunot ang noo ko at sinundan ko ng tingin ang kunwari niya pang pagpagpag ng upuan sa tabi niya. I licked my lips. I was so confused by his actions, but I didn't have a choice and just sat in front of him.

Ayaw kong umupo sa ibang lamesa dahil hindi tahimik at madaling makita ng iba.

Library ang pinupuntahan ko pero minsan maingay pa rin dahil sa ilang bulungan ng mga nasa kabilang lamesa. Buti nalang simula nang mahanap ko ang spot na ito last year ay wala na talaga akong naririnig na ingay. Medyo dulo kase at malayo sa ibang lamesa.

I opened my book and looked for the last sentence I had read. Arthfael was suddenly silent, so I thought that maybe he was also busy with what he was reading when I caught him earlier. Nakita kong may hawak siyang science book kanina kaya naisip ko na baka nag-re-review rin s'ya.

"Kroo kroo," I heard him murmured.

I looked up for a second and saw that he was still staring at his book, frowning and holding back a smile.

"Ang tahimik, hindi ako sanay." He said this as he fixed his gaze on me.

When our gazes locked, he placed his hands on his cheeks and his elbows on the table. "Bakit ka nakatingin saakin?"

I raised my brows in reaction to his sudden question. "I overheard you talking,"

"Kaya mo ako tiningnan?" Nakapalumbaba s'ya saakin at titig na titig.

Naiilang ako sa paraan ng pagtingin niya nguni't naisip ko na baka gano'n lang talaga s'ya tumingin. Ang lalim ng mga mata niya pero kitang-kita ko ang kislap noon. Napakaganda.

Before Anything ElseWhere stories live. Discover now