Chapter 18: I am back.

2.2K 56 15
                                    

Chapter 18: I am back.

Lumipas ang mga araw ay naging abala kami. Well, I think ako lang since hindi ko na ulit naka-usap sila Megan dahil nasubsob ako sa trabaho. Kadalasan ay hating gabi na ako umuuwi o kaya ay sa hotel nanaman ako natutulog. Sobrang pagod at puyat na nga ako dahil sa tambak na trabaho. Ito ang mahirap pag peak season, ang daming kailangang gawin.

Ang nakakapagpagaan lang naman sa araw ko ay ang araw-araw na tawag mula sa kanya. Lagi niya akong kinakamusta at lagi niya din akong pinagluluto ng breakfast, lunch at dinner lalo na pag hindi ako nakaka-uwi sa bahay.

Busy rin naman siya sa trabaho niya since kilalang producer na siya ng mga pelikula at model pa kaya minsan ay wala rin siya sa bahay kaya sa tawag na lang kami bumabawi.

Bumuntong-hininga ako matapos kong i-type ang aking report na ipapasa ko kay Kuya bukas. Sumandal ako at pumikit. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa magdamag na pagtutok sa computer at sa tambak na mga papeles na kailangang pirmahan. Inabot ko ang intercom na nakakonekta sa telepono ng sekretarya ko. Oo may sekretarya ako. Kinuhanan ako ni Kuya para daw hindi ako masyadong mahirapan sa trabaho.

"Esme." nakapikit ako habang kausap ko ang sekretarya ko.

"Yes, ma'am?"

"Buy me a coffee, please." nakapikit pa rin ako dahil sumasakit na talaga ang ulo ko. Gusto ko ng magpahinga pero hindi ko pa iyon magagawa dahil madami pa akong gagawin.

"Okay, ma'am. Right away."

"Thank you, Esme. Pagkatapos mong i-deliver sa akin ang kape ko, pwede ka ng umuwi." bilin ko bago ko pinutol ang linya. God! This love-hate relationship I have with my job is not a joke, really. Geez!

Hindi rin naman nagtagal ay may kumatok na sa pintuan ko. Pinindot ko ang button na nakakonekta naman sa pintuan para bumukas iyon. Pumasok si Esme na dala-dala ang kape ko.

"Here is your coffee, ma'am." inilapag niya iyon sa table ko at ngumiti sa akin. Mahina ko siyang nginitian.

"Thank you." bumuntong-hining ako, "You can go home now, Esme. You need to rest." sabi ko agad sa kanya. I frown etched on her face.

"Kayo nga po dapat ang magpahinga, ma'am." napasimangot ako bigla.

"Esme, diba sabi ko sa'yo kapag tayong dalawa lang, wag mo akong tatawaging 'ma'am'?" nakakunot ang noo ko dahil sa pagkairita at sa sakit ng ulo. Si Esme ay college friend ko kaya hindi na rin naman siya naiiba sa akin. Noong sinabi ni Kuya sa akin na naghire siya ng sekretarya para sa akin ay hindi ko inakala na si Esme pala iyon pero mabuti na lang at siya dahil kilala na namin ang isa't isa.

"Pasensya na, Lex nasanay lang," tumatawa niyang sagot. Inirapan ko siya pero napangiti na rin. Kinuha ko ang tasang may kape at dahan-dahang ininum ito, "May Biogesic ako sa bag, gusto mo ba? Para matanggal ang sakit ng ulo mo."

Ibinaba ko ang tasa at umiling, "Hindi na, Esme. Mawawala rin ito. Kailangan ko lang talaga ng maraming tulog." tumango-tango naman siya.

"Rest day?" umiling ako ulit.

"Nah. Madami pa akong trabahong gagawin, hindi ako pwedeng basta basta na lang mag-file ng rest day." buntong-hininga ko. Kahit gustung-gusto kong mag-file ng rest day ay hindi ko magawa dahil sa tambak na trabaho. May presentation pa akong gagawin next week, events, meetings at ang pinaka importante ay ang presentation na gagawin ng pipiliing department para sa pagpapa-impress sa possible foreign investors na darating naman next next week. Sobrang importante noon dahil malaki ang maitutulong ng mga investors na iyon sa pagpapa-unlad ng business namin kaya kailangang makuha namin ang approval nila. Kinakabahan nga ako at alam kong pati si Kuya. Wala pang napipiling department na gagawa ng presentation pero mukhang pipili na sila sa Linggo.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon