AMOD

44 8 20
                                    

A dilemma that can change your perspective in life.

Created: March 7, 2022
Start: March 7, 2022
End: March 18, 2022
Published: March 20, 2022

Genre: Drama
Language: TagLish

de·spair
- the complete loss or absence of hope.

How do you describe your family?

How many family members are there in your family?

What do they do?

How close are you?

They say that Family is the most important place for any individual and it is considered as the root of people.

Well, I grew up in a family kung saan busog kami sa pagmamahal. Kahit simple lang ang buhay namin, kuntento na kami. Sapat na nakakaipon kami para sa pang araw-araw na gastos namin at nakakain kami ng sapat o sobra sa bawat araw. Ako si Beatriz Claire Medina, panganay sa pamilyang Medina at isang kolehiya. Ang bunso kong kapatid naman ay nasa elementarya na. Ang nanay ko ay isang housewife at isang Online seller para makatulong din sa pag iipon ng gastusin sa bahay habang ang tatay ko ay nag tra-trabaho siya bilang isang Book keeper sa isang kilalang kumpanya.
Kilala kaming Pamilya Medina bilang masisipag at maprinsipyong pamilya. Madasalin, walang palya sa pagsisimba at paglilingkod sa simbahan.

Sa lahat ng mga pagsubok na napagdaanan namin, lahat nalulutasan namin ng sama-sama. Problema ng isa, problema ng lahat. Matibay ang samahan namin ngunit dumating ang isang problema na unting-unti nawawasak ang samahan namin bilang pamilya.

Dumating ang isang araw, na umuwi si tatay na tila wala sa sarili. Kahit lambingin at kausapin ko siya, parang ang lalim ng iniisip niya. Wala siya sa hulog pag kasama namin siya. Kahit sa hapag kainan, tahimik siya. walang rin kaming kibuan sa isa't isa. Nahagip ko ang paningin ng nanay ko, kita sa mata niya ang pag aalala dahil inaasal ng tatay ko. As she look back at me, her eyes tells me that everything is gonna be alright. Her eyes tells me that I must be strong. Bilang panganay ay dapat maging matapang ka. Habilin sakin ni tatay na tuwing wala siya sa bahay, ako muna ang papalit sa pwesto o aako ng responsibilidad niya. Ako ang tutulong at mag-aalalay kina nanay at sa kapatid ko.

As days passed on, ganun parin ang asal ni tatay. Parati tahimik at parang wala sa bahay. Nandito nga siya pero ang isip niya ay tila naglalakbay sa kalawakan. Nag aalala na kami, namimiss namin si tatay. I just hope na ayos lang siya kung ano man ang problemang dinadala niya. Pag handa na siya, sabihin sa amin ang problema. Nandito lang kami ng pamilya niya na handang makinig.

Isang gabi, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi pa ako makatulog. Mag hahating gabi na,hindi pa ako tinatamaan ng antok. Nagpag desisyon ko na pumunta muna ng kusina para uminom ng gatas. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kusina namin, naririnig ko si nanay at tatay nag-aaway sa kabilang kwarto. Nagtataka ako at hindi ko maintindihan kung anong pinag-aawayanan nila.

Kinabukasan, magpapaalam na ako kay nanay na papasok na ako sa eskwelahan, nakita ko sa mukha ni nanay na mugto ang kanyang mata. Tinanong ko kung bakit mugto ang mata niya at kung anong problema. Umiling lang siya sakin at sinabi na wala ito, wag daw ako mag aalala sa kanya. Tiningnan ang aking mukha na puno ng pagsasamo na tila nag aalala siya sakin. Hinalikan niya ako sa noo at sinabi mag iingat ako sa pasok ko. Gusto ko pa sana kilatisin kung ano talaga pinagdadaanan ni nanay. Labis ako nag aalala na. Nag-aalala dahil baka dahil sa narinig ko kagabi. Tungkol sa pinag awayan nila. Hanggang sa eskwela, dadala ko ang aking pangañgangba sa pinag dadaanan ng pamilya namin.

A Moment of DespairWhere stories live. Discover now