Chapter 39

11 3 0
                                    

                "Wait" urong ng ulo ni Ash "Hahalikan mo ba ako?"

"Oo. Bakit? Ayaw mo?"

"Gusto siyempre. Pero what's your purpose?"

"Tinatanong pa ba yan? Siyempre. Gusto kong makipagbalikan sa'yo"

"Makipagbalikan?? Seryoso ka?? Pagkatapos na nangyari sa atin na masasakit? Gusto mo pa?"

"Sandali" dugtong ni Lucien na tila naguguluhan "Akala ko ba pinapatawad mo na ako?"

"Oo nga. Pinapatawad na nga kita. Pero it doesn't mean na makipagbalikan ako sa'yo"

"Talaga?? Akala ko kasi na gusto mo"

"Of course not. I had a very traumatic experience sa'yo tapos gusto mong makipagbalikan sa akin? No way. Never"

Parang nahiya si Lucien sa kanyang nagawa. Akala niya kasi na iyon na ang sandali na makakabalikan na sila ng kanyang pinakamamahal pero hindi pa pala. "Sorry Ash. Na-misinterpret ko ang sinabi mo. Umasa kasi ako na magiging tayo na. Hindi naman kita inisip. Pasensiya na talaga. Akala ko kasi eh"

"No. It's okay, Lucien. Don't say you're sorry. Okay naman sa akin yun" paniniguro sa kanya ni Ash "Pero kung gusto mo talaga na may relasyon tayo. I have a proposal to give you"

"Talaga?? At ano naman iyon?"

***

Dakong alas-sais ng gabi. Sa covered gym ng Braxton.

Katatapos lang ng kanilang ensayo at nandoon silang lahat sa locker room at naghahanda na para umuwi. Ang iba ay nagbibihis na ng kanilang damit at ang iba naman ay nagsha-shower pa din.

Pero si Scar at si Marcus ay tapos na at handa na silang lumabas ng locker-room.

"Saan daw pupunta sina Vlad at ang pamilya niya dude?" tanong ni Marcus sa kaibigan

"Magbabakasyon sila daw for one week"

"Wow ha. Ang aga naman ng bakasyon nila"

"Inadvance daw kasi nila kasi aalis na daw si Tito next month"

"Ahh. Kaya pala" sagot ni Marcus habang lumalakad na sila palabs ng covered gym. Pero biglang tumunog ang telepono ni Scar.

Agad naman kinuha niya ito sa kanyang bag at agad na sinagot "Yes Dad?? Andito pa ako sa campus. Bakit? What? Wala pa siya diyan?? Oh sige-sige. Baka andito pa siya sa Braxton. Hahanapin ko na lang siya dito"

"Bakit dude?? Ano ang problema?"

"Si Ash. Hindi pa daw nakakauwi. Dumidilim na kasi"

"Hindi ba siya nagsabi sa'yo kung saan siya pupunta?"

"Hindi eh. Agad naman siyang umuuwi after ng class" kita sa mukha ni Scar ang pag-aalala dahil ano na ang nangyari sa kanyang kapatid "Dude?? Hanapin ko muna siya dito ha. Mauna ka na"

"Dito?? E magdidilim na. Samahan na kaya kita"

"Okay lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko. Umuwi ka na dun at baka magagalit pa si tita kung gagabihin ka"

"Sigurado ka?"

"Oo dude. Sure ako. Sige na. Umalis na ka. At mag-iingat ka"

"Sige dude. Ikaw din. Mag-iingat ka din"

Kaagad lumakad si Marcus nang matulin at papunta sa malaking gate ng Braxton. Samantala si Scar naman ay walang choice kundi hanapin ang kanyang nawawalang kapatid.

The ShapeshiftersOnde as histórias ganham vida. Descobre agora