Excruciating Wave's of Love

30 6 0
                                    

Palubog na ang araw at naghahalo ang kulay kahel na ulap sa kalangitan, nag lilikha ng kamangha-manghang tanawin sa dalampasigan.

Kasabay ng malakas na alon ng karagatan ay ang sunod sunod na pag agos ng luha mula sa mata ng dalaga.

"H-hindi mo na ba ako M-mahal?" Deriktang tanong ni Angela sa kasintahan na si Lorenzo.

Hindi naka sagot ang binata

"Bakit mag hihiwalay!?" Tanong Niya ulit.

"Masyado na kitang nasasaktan..." Sabi ng binata.

"Kaya ko pa namang lamaban... Ng mag Isa." Giit ng dalaga.

"Makinig ka, Angela. Ito yung mas makakabuti para sa atin." Tanggi ng binata.

She can't do anything, its his decision besides napag isipan niya at alam na niya na mangyayari 'to.

This past few weeks, palagi nalang away at tampuhan ang nangyayari sa relasyon nila. Overthink man pero iniisip niya na may bago na si Lorenzo kaya niya ito ginagawa.

She wiped her tears and said, "Are you... Sure about this?"

Matagal bago naka sagot ang binata.

"Oo, bigyan mo muna ng pagkakataon ang sarili mo at ang pag aaral mo." Anito to at niyakap siya.

Akmang aalis na ang binata ng tawagin niya ito.

"Lorenzo....."

Lumingon Ang binata at muli siyang niyakap.

"Pangako mo sakin na pag bubutihin mo ang sarili mo." Habilin ng binata bago tuluyang iwanan ang dalaga sa dalampasigan.

Ang dating apoy ng kanilang pagmamahalan ay unti-unting natupok na para bang nahaluan ng yelo. Sa lahat ng sakit na dinanas nilang dalawa sa ngalan ng pag-ibig, naunang sumuko ang binata.

Masakit yung mga gabing umiyak siya pero iba ang sakit habang nakikita niya ang taong mahal niyang naglalakad papalayo sa kanya.

For the first time, she felt that excruciating pain inside her chest.

Isang malakas na alon ang humampas sa malaking bato malapit sa kinatatayuan niya na lumikha ng malakas na tunog.

"An excruciating waves of love" she whispered.

Saksi ang mga alon na ito sa kung paano umalab ang pag-ibig sa pagitan nila ng binata. Saksi rin ang ang kahel na ulap sa kaligayahan sa piling ng taong kanyang minahal. At ang buwan sa gabi ang saksi sa lahat ng hinanakit sa dibdib niya na dulot ng pag ibig nila.

Siguro ay nakikisama ang alon sa pag hihinagpis niya.

"Lorenzo!" Malakas na sigaw niya ngunit hindi na ito narinig ng binata dahil malayo na ang nalakad nito.

Hindi niya gusto ang disisyon na hayaan ang binata na iwanan siya. Gusto niya itong bumalik ngunit hindi nangyari ang gusto niya. Tuluyang nawala sa paningin niya ang binata kaya't napaupo na lamang siya sa buhangin at napatingin sa tiyan niya.

Hindi siya sigurado pero kinakabahan siya. Deleyed na ng dalawang linggo ang regla niya. Nung una ay kampante pa siya dahil alam Niya na ganito talaga ang dalaw niya minsan nauuna minsan naman ay na dedelay ng mga ilang araw pero kinabahan siya ng maalala ang dalawang sunod sunod na umaga na pag susuka siya. Kahapon at kaninang umaga. Madalas din ang pang hihilo niya and the weird thing is... She starts to crave for foods she hates before.

"Am I... Pregnant?" Kinakabahang tanong Niya sa sarili niya lalo na at may nangyari sa kanila ng kasintahan mga isang buwan na ang naka lipas.

Kung maari nga ay hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa mga magulang niya lalo na ngayong nag hiwalay na sila ni Lorenzo.

Buong gabi siyang hindi naka tulog at iyak lang ang nagawa niya.

Nag text siya sa kaibigan na puntahan siya nito sa bahay nila at nag papabili ito ng PT.

Kinakabahan man ay lakas loob niyang tinignan ang pregnancy test habang unti-unting lumilitaw ang kulay pulang guhit hanggang sa tuluyang tumambad sa kanya ang dalawang kulay pulang guhit sa maliit na instrumento.

Positive....

Pinayuhan siya ng kaibigan niya na kailangan malaman ito ni Lorenzo bago pa man ito malaman ng magulang niya.

Nung gabing yun ay tinawagan niya ang binata at laking pasasalamat niya ng pumayag ito na makipag kita ulit sa kanya.

Habang papalapit siya sa binata, parang nanrurupok ang mga tuhod niya sa kaba. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin.

Buong giliw na ngumiti ang binata at nag tanong. "Ano yung importanting sasabihin mo, Angela?"

Humugot siya ng isang malalim na buntong hininga bago mag salita.

"Im p-pregnant..." Mahinang sabi nito at inilabas mula sa bag ang positive results ng pregnancy test.

Ang magiliw na ngiti ng binata ay napalitan ng gulat at di nag tagal ay hindi na maintindihan ang emosyon na lumalabas sa mukha niya.

Nangingilid ang mga luha sa Mata nito na nag salita "Let's get married"

"Ayoko na pakakasalan mo lang ako nang dahil sa resposibidad, Lorenzo. Gusto kong malaman kung Mahal mo ba ako"

"Mahal na Mahal kita, Angela"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Excruciating Wave's of Love Where stories live. Discover now