Prologue

713 27 0
                                    

"Koronasyon na, Abigail bakit tatakas ka na naman?" Suway ni claire kay abigail.

Umakyat kasi sa bakod si Abigail para tumakas nanaman...

Noong una siyang tumakas dahil din ito sa koronasyon. Hindi natuloy yung koronasyon noon kasi nga tinago niya ang mismong korona, kaya ayun! Hindi na natuloy. Tuwang tuwa pa siya noong ibinalik niya ang korona sa lalagyan nito.

Nang pangalawa naman ay pinatulog niya ang lahat at nalaman nalang ng tiya niya na si Abigail ang pasimuno.

Ang pangatlo naman ay nagkunwari siyang nahimatay sa harap ng tao kaya nataranta ang sila! Kaya ayun, hindi nanaman natuloy ang koronasyon.

Maraming beses niya na ring tumakas ngunit lagi siyang nahuhuli.

Kasama niya lagi ang isang lobong napaka laki, may lila na mga mata rin ito katulad ng mata ni Abigail. Binigay ito ng kaniyang ina bago namatay, ang lobo lang ang ala-ala niya sa kaniyang ina.

Ang pangalan ng lobo ay Athena Adam.

Pinangalanan ni Abigail ito ng Athena Adam dahil sa kaniyang ina. Athena Clain Adam ang buong pangalan ng kaniyang ina kaya naisipan niya iyon.

Si Athena lagi ang kasama niya sa mga kalokohan niya. Kapag tatakas sila at maliligo sa ilog ito ang kasama niya.

"Kasi naman! Nakakainis na kayo, Bakit palagi nyo 'kong nahuhuli ha?" Natawa lamang ang pinsan niya.

"Abigail, hija!"

Natigil siya sa pag akyat at nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Anak! Hinahanap kana ng ating mga kalahi! Bakit nandito ka?" Inosenteng tanong ng kaniyang ama.

"Tss! Ano 'to? Binayaran ka na naman ba ng utak mo para umarte? Hindi na tatalab 'yan." Ngumisi si Abigail.

"Abigail anak! Makinig ka naman sakin o, kahit ngayon lang sumunod ka." Mahinahong tugon ng hari.

"Makinig? Ayokong makinig sa'yo. Simula noong namatay ang ina ko hindi na ako nakinig sa mga pekeng salita mo. Pinatay mo siya!" Pinigilan ni Abigail bumagsak ang mga luha niya.

"Mali ka ng iniisip kahit kailan hindi ko pinatay ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya, Abigail!" Umiwas ng tingin si Abigail nang makitang may luha ang taksil niyang ama.

"Sabihin mo 'yan sa lelang mong panot!"

"Tama na 'yan, Abi." Hinawakan ni Claire ang braso ni Abigail ngunit hinawi ito ng prinsesa.

"Kahit kailan naman hindi ka nakinig sa'kin, Abigail! Kahit buhay pa ang ina mo! Wala kang sinusunod sa utos ko!" Galit na ang ama niya ngunit wala siyang pake doon.

"Ang alin ba? Yung patayin ko ang tiya-" hindi na natapos ang sasabihin niya ng may dumapo sa kaniyang pisngi ang palad ng ama.

Tahimik lang si Abigail at hindi pa rin gumagalaw. Si Claire nagulat dahil hindi niya inaasahan 'yun.

"Sampal? Hindi ba dapat halik sa pisngi? Parang halik ni Judas! Bagay yun sa'yo, AMA!" Ngumisi si Abigail ng makitang galit na galit na ang kaniyang ama.

Hindi niya na hinintay ang sasabihin ng kaniyang ama, dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon.

Nakasalubong niya pa ang isang pinsan niya ngunit hindi niya ito pinansin.

"Abigail? Saan ka pupunta? Koronasyon na!" Binawi ni Abigail ang braso niya sa pinsan niya.

"Sa Harok!!" At tumakbo na si abigail.

Ang harok ay isang lugar nang aliwan ng mga lobo o kahit ano mang uri ng immortal o mga dayuhan. Dito rin nag bebenta ng katawan ang mga babaeng walang magawa sa buhay at iniisip lang ang kaligayahan. May nagaganap din ditong patayan at pang-haharass sa mga babae.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now