Chapter #07: 13-1=?

124 12 0
                                    

"Are you okay?" Angel asked beside me.

It's already twelve o'clock in the morning, yet I'm still awake. Hindi ko na rin alam kung ilang oras na akong nakatitig dito sa bonfire na nasa harap ko. Nakatitig at halos wala na akong ilabas na luha.

"Do I look like okay, Angel?" I whispered. Mahina itong natawa at isandal ang ulo ko sa balikat nito.

"Si Donna, umiiyak kanina. Mabuti na lang napatulog namin ni Hazel. She's also sad, kami rin. Hindi namin matanggap na wala na si Alyse." She smiled bitterly.

"I'm sorry…we're late to save her. Do you know Alyse sacrificed herself just to save her mother?" I smiled at her. "But they ended up dying together."

"Hindi niyo kasalanan nina Theo at Samuel ang nangyari. Wala kayong kasalanan sa pagkawala niya. It was her decision to sacrifice her herself. At least namatay siya kasama ang ina nito." Bakas ang pagkalungkot sa boses nito.

"Bakit? May nangyari ba?"

She looked at me with teary eyes. "Kaninang umaga lang nabalitaan ko na patay na sina mama at papa."

"How? What I mean is, paano mo nalaman?"

"Hayaan mo na…matulog na tayo, bukas ay aayusin na natin itong van para may masakyan tayo." She forced to smile before standing up.

"Donna, wala na si Alyse." Rinig kong wika ni Hazel.

"Hazel, hindi pa siya patay. Babalik siya! Siya na lang 'yung taong mayroon ako. My life depends on her, she's just not my friend. She's my sister, I treated her like a one!"

Mariin akong napapikit at nagtalukbong ng kumot. Mula rito sa loob ng van ay rinig na rinig ko ang ilang mga sigawan at sagutan nila.

"Why don't you blame Johanna, Donna? Kung hindi niya sinama si Alyse ay hindi ka naman magkakaganito—"

"Solene, stop!" It was Ar-j's voice.

"Why? Am I wrong?"

"Tumigil na kayo, walang may gusto sa nangyari kay Alyse. Mabuti pa't kumain na muna kayo, nakapagluto na si Ilana kanina pa." Boses iyon ni Ms. Kim.

Kagaad akong umupo at tumitig sa kawalan. Hindi ko maiwasang maluha habang inaalala ang nangyari kay Alyse kahapon. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatitig hanggang sa may pumasok sa van at umupo sa tabi ko.

"Kumain ka muna, kahapon ka pa walang kain." Naglapag si Samuel ng isang dahon ng saging na ginawang plato sa harap ko. Sinundan ko lang ang bawat galaw nito bago muling tumitig sa kawalan.

"Johanna, wala kang kasalanan sa nangyari kay Alyse. If you're thinking what Solene said, don't think about it."

I smiled bitterly. "Salamat."

"Kumain ka na, samahan ko lang si Ilana roon na magligpit ng mga pinagkainan." After that he left.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko bago iyon kunin ni Samuel. Lumabas na muna ako ng van at pumunta sa gilid ng dagat para roon magpahinga habang inaayos nila ang gulong.

"Gumaan ba kahit papaano ang pakiramdam mo?" Napalingon ako sa kanang gawi ko nang marinig ko mula roon ang boses ni Samuel.

"Ano bang pakiramdam ko?"

He shrugged. "Ewan ko."

"Nasaan si Theo?"

"Nag-aayos ng van." Sandali muna kaming binalot ng katahimikan bago muli itong magsalita. "If you don't mind…what's your relationship with Theo?"

Sandali akong napaisip at umiwas ng tingin sa kaniya. Oo nga naman, anong relasyon namin? I have feelings for him, hindi ko lang alam sa kaniya. Palagi ako nitong binibigyan ng motibo na gusto ako nito, but I don't want to assume. Mahirap na, baka sa huli ay ako rin ang masasaktan.

DUMB WAYS TO SURVIVE [COMPLETED]Where stories live. Discover now