Chapter 13

584 26 20
                                    

ZIZY

"Continue to dream, Zizy.. Continue your dream." wika niya ulit.

Nakatulala lang ako sa kaniya, hindi pa din alam ang dapat sabihin.

Should I?

Puwede na ba?

Wala na bang sisira?

Marahan kong pinalis ang mga luhang nasa mata ko bago muling tiningnan siya sa mga mata niya.

"Thank you for your words, Colden. Pero hindi ko pa din alam ang gagawin ko hanggang ngayon tungkol diyan sa sinasabi mo." sa wakas naimik ko din.

Ang mga mata niya ay parang expected na na ganoon ang sasabihin ko.

"I can help you if you want." he said again.

"I'll ask for your help then.. Kapag nakapagdesisyon na ako." ngumiti ako sa kaniya.

"I'll wait for you." he said, then smiled.

"Ang ganda ng ngiti mo, sana lagi ka na lang nakangiti." sambit ko sa kaniya.

"Are you proud now? Na iyong tinatawag niyong cold guy of PINHS, nginitian ka?"

"Aba'y syempre! Hindi lang ngumingiti, dumadaldal na din." saad ko.

Tumagal pa kami ng ilang minuto doon bago napagpasyahan na umuwi na. Nang nasa may gate na kami ay muli niya akong hinarap. I looked at him asking for his reason.

"Goodnight." tanging sinabi niya.

I smiled at him. "Goodnight din."

"Hoy Zizy! Suot suot mo lang pala 'yang tsinelas ko! Nagkandaliyo-liyo na ako sa kahahanap!" biglang lumabas si V sa gate namin.

Napatigil siya at nalilitong tumingin sa aming dalawa. He even acted so shock to see us, he dramatically put his hands over his opened mouth while pointing at us.

"Saan kayo nanggaling? Dinamay niyo pa sa kalandian niyo ang tsinelas ko!" OA niyang wika.

I rolled my eyes at him. Puro talaga kalokohan ang isang ito!

"Napaka-OA mo naman! Pumasok na nga tayo at ng makapaglatag na tayo ng higaan!" I said, at tinulak-tulak na siya papasok sa loob.

Nang makapasok na sa pintuan ang mokong ay humarap ulit ako kay Colden. I smiled at him and wave as my goodbye for the night.

Matapos noon ay pumasok na din ako sa loob. Hindi na ako nagulat nang makitang nakahilera na naman ang mga  mokong at hinihintay ako. Ang kadaldalan ni V ang dahilan nito panigurado!

Sila lang lima ang nasa harap ko ngayon. Kuya's probably in his room now doing his things.

"Saan ka galing, Zizy?" unang tanong ni Cat.

"Saan pa? E diba kasama niyang lumabas iyong crush niyang taga-Pansol." si JP naman ang sumagot dito.

"Tama! At dinala pa niya ang tsinelas ko! Alam mo gang naikot ko na ang buong bahay niyo, naibaliktad ko na lahat ng sofa, lamesa, at miski ang ref niyo kakahanap lang sa tsinelas ko! Tapos 'yon pala suot mo!" si V naman iyon.

Stress na stress akong tumingin sa kanilang tatlo!

"Puwede ba tumigil na kayo? Tulungan niyo na nga akong maglatag ng makatulog na tayo! Ang dami niyong drama!" I said.

Kinuha ko na iyong foam sa tabi, si Kuya siguro ang nagbaba nito. And yes, sa sala kami matutulog, we actually have 4 rooms dito sa bahay, and kung doon kami matutulog hiwa-hiwalay kami, kaya mas gusto nila dito sa sala para tabi-tabi o magkakasama kami.

Continue To DreamWhere stories live. Discover now