Kabanata 2

265 15 0
                                    

Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na ang kaniyang tiya at pinsan. Siya naman ay iniisip pa rin kung bakit nga kailangan?

Bakit kailangan siyang patayin? Bakit kailangan nila ang mataas na posisyon?

“Bukas na ang iyong kaarawan, Abi ko!!” Niyugyog niya pa ang balikat ni Abigail.

“Ang aga aga Claire! Labas nga! Masyadong kang masaya sa buhay!” Nakapikit niyang ani.

“Claire! Gising na ba?” Tanong ng isang hindi nakikilalang boses.

“Ano ka ba naman! Akala mo ang dali lang gisingin niyang prinsesa niyo! Kailangan niya pa atang buhusan ng tubig bago 'yan bumangon!” Dada ng kaniyang pinsan.

“Lumabas ka muna! Hintayin mo nalang kami sa labas!”

Dinilat niya ang kaniyang mga mata at nakita niyang nakabusangot ang mukha ng pinsan niya.

Hindi niya ito pinansin at pumunta sa paliguan para maligo.

“Hoy! Bakit ganyan ang suot mo, mahal na prinsesa!?” Sarkastikang sabi ni Claire pagkatapos nitong magbihis.

“Bakit? Saan ba tayo pupunta at kailangan pa nating magara ang damit?” Tinaasan niya ito ng kilay.

“Pupunta tayo sa harok! Hehe.” Nagpeace sign si claire sakaniya nang akma niya itong babatukan.

“Bawal ka sa harok.” Hinila s'ya palabas ni claire.

“Asan na ba yung babaeng iyon?!” Bulong ni claire.

“Sino bang hinahanap mo?”

“Ah..eh... Sandali ha! Wag ka nang matutulog ulit saglit lang ako!” Tumakbo ito papalabas ng palasyo.

Ilang minuto nakadating na rin si claire kaso may kasama siya.

“Hindi ba Claire may dapat sundin dito na patakaran? HUWAG MAGPAPASOK NG KAHIT NA SINO.” Sinamaan niya ng tingin ang pinsan.

“Ngunit mahal na prin—” Hindi niya na naituloy ang sasabihin ng may tumawag sa babaeng kasama niya.

“Jeyi! Kanina ka pa hinahanap ng daddy mo!” Sigaw ng babae.

Ang bagong asawa ng kaniyang ama iyon.

“Sandali lamang, Mommy! Pinapakilala pa ako ni Claire sa prinsesa!” Tugon ng babae.

Tinignan ni Abigail ang babae mula ulo hanggang paa. Mahaba ang kaniyang buhok at kulay puti ang balat. May kulay rin ang buhok nito. 'kulay pula' matangkad ngunit mas matangkad siya.

Iniwas niya ang tingin sa babae saka tumingin sa pinsan. “Anne Claire Adam.” seryoso niyang tawag.

Tila ay alam agad ni Claire iyon kaya tumakbo ang babae papunta sa likod ni 'Jeyi' kuno.

“Jeyi? Pwedeng sa sunod nalang kita ipakilala sakaniya? Tignan mo oh! Masama ang kaniyang umaga ha-ha.” Pilit itong tumawa.

“Sino ka? At bakit pumapasok ka agad sa aking palasyo?” Mataray niyang saad.

“Ako po si Jeyi Hesi Sandler.” yumuko ito at nagbigay galang sakaniya.

Bakit Sandler ang apelyido nito? Nang-gagago lang? Wala naman akong pinsan na kamukha niya.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Parang merong kakaiba… hay.

“Abigail Clei Adam SANDLER, nagagalak kita makilala.” pilit siyang ngumiti.

Hindi kita kinagagalak na makilala.

“Pasensya na po, Mahal na prinsesa sa pagiistorbo ng aking anak, Hindi na po ito mauulit.” Sabi ng nanay nito at hinila na paalis ang kaniyang anak.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now