35

1.6K 41 2
                                    

Jema

Training. Gala. Condo

Yan ang ikot ng mga iilang araw ko. Masaya ko actually, I'm still trying my best to live life to the fullest, and I think I'm doing a great job.

Malapit narin ang PVL so di talaga mawawala ang puspusang training. Sakit sa katawan huhu!

"Milo babyy!" Makulit kong tawag kay Milo para lumapit sakin.

Nakatambay lang ako sa sofa sa unit ko habang nanunuod ng TV.

"Amoy laway ka na oh, kulit kulit naman nyan" pangungulit ko kay Milo habang hinahagod ang balahibo niya.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Deanna.

Di ko naman makakaila na si Milo ang tanging alaala ko kay Deanna. Shempre aso niya 'to. Aso namin 'to.

Never heard from Deanna since our last interaction two weeks ago I think? After the stratplan event wala na. Di rin naman yun gaano ka active sa social media accounts nya, imbis nalang kung gumagala siya, ibig sabihin di siya umaalis. Tsaka we unfollowed each other.

Yeah, anyway why would I think ba kasi? Dapat ba updated ako sa ex ko?! Ngi.

Natauhan naman ako ng biglang nag vibrate phone ko.

"1 message from Kyla Atienza"

"Ano na te? Gora kami jan mamaya ah? Ano gusto mong food dagdagan namin?"

Oo nga pala nag plano kami tumambay dito mamayang gabi, at malamang dito yung mga yun matutulog dahil mga di na makakauwi.

"Oo go! Kahit ano na, dala lang kayo onti lang kasi stocks ko rito. See you ingat!"

Itutulog ko muna tong ka inipan ko dahil di pa naman kailangan ng linis ang unit ko.

----------------------------------------------------

Deanna ---

Pauwi na kami galing uptown. Kasama ko si Ate Mara at Ate Ange.

Girl, take me back 'cause I wanna stay
Save your tears for another
I realize that I'm much too late
And you deserve someone better
Save your tears for another day (ooh, yeah)
Save your tears for another day (yeah)

We we're happily jamming sa kotse. I like the company of this two sa totoo lang. Makes me feel na di ako nag iisa. Minsan nagsstay sila sa condo para may kasama ako tsaka sabay sabay na kaming nag aasikaso sa business.

"Huy mamaya tulungan nyo ko maglinis ng unit ah, ang kalat natin hahahah!" Sabi ko sakanilang dalawa.

"Totoo! Hahaha di tayo masyado nakapag ligpit kagabi."

*bzzz* biglang nagvibrate phone ko.

"Paopen nga, patingin kung anong notif baka sa USANA yan" Pakikiusap ko kay ate Ange dahil nasa likod sya at nasa cup holder ang phone ko.

"_carlyhernandez liked your post sa ig mo" sabi niya.

"oooohh carly hernandez ito yung shiniship sayo diba tapos pumunta ka pa nga sa meet and greet nya eh tas kumanta pa kayo oooohhh kala mo ah nag trend kaya sa tiktok hahah!" Dagdag pa niya.

"Ahh yan pala yun! Oo! Yung may pic sila nakanta ka" dagdag ni ate Mara.

"Luh?! Ano naman kayo jan?!  We're very good friends kaya!" Rebat ko sakanila.

"Nako, kung di mo yun bibitawan, habang buhay ka nang single nyan HAHAHA!" pangaasar sakin ni ate Ange.

Jusko!

Hindi pa ko handang magmahal ulit.

Kung hindi na talaga kami...

Huwag nalang muna siguro.

Nakakatakot tumaya. Tumaya ng sobra.

Sinugal ko lahat eh. Lahat-lahat.

Andami kong bagay na sa kaniya ko una ginawa.

Ni wala ngang masabi ang family ko noong sigurado na ko sakanya.

"Huy luh! Joke lang ito naman seryoso mo iiyak ka na jan eh" bigla kuha ni ate Ange ng atensyon ko.

"HAHAHA huy tigilan mo nayan sya, broken na naman yan" dagdag ni ate Mara.

"Ingay! Ingay! I'm okay 'no! Tsaka me and Carly are really good friends talaga, nagbonding and talk kami kanila ate Din nun." Saad ko sakanila.

"Okay! Okay! Talo na kami" sagot ni ate Ange habang tinataas ang dalawa niyang kamay.

Nakarating nadin kami sa unit ko after ilang minutes.

Nagayos ako ng closet room ko, daming gamit, mga damit at sapatos na di na naayos. Kinuha ko yung walis tsaka isa isang inusog yung mga cabinet.

Nakita ko pa yung picture namin ni Jema, which was taken during our trip in Siargao. We we're sitting in a heart-shaped kawayan habang naka akbay ako kay Jema at nakahawak siya sa bewang ko.

Pinunasan ko yung buong frame at pinatong sa taas ng isa pang cabinet. Sunod naman tinupi ko yung ibang mga damit.

"Te Ange, tulungan moko usog natin yung cabinet na to, bigat eh walisan ko lang" sigaw ko para tawagin si ate Ange.

"Sige, teka punas lang ako kamay" sigaw niya rin na siyang nasa kusina.

Ilang saglit pa, pumasok rin siya at siya ang nasa kabila at ako sa kabila. Pagkausog namin inabot ko naman ang dulo at winalisan narin.

Naabot naman ng walis ang sapatos na nasa sulok.

Ay shuta! Ito pala yung white & blue asics ni Jema na ang tagal naming hinahanap. Nahulog pala dito sa likod.

Pinunasan ko ng basahan para matanggal yung alikabok at pinagpag.
Tatawagan ko nalang siguro si Jema mamaya kung kukunin niya ba to.

Tinapos ko na yung paglilinis ko at binalik lahat ng mga damit na tinanggal ko kanina.

Pagkatapos ay naupo narin ako sa Sofa at sumunod rin si Ate Mara na naglinis rin ng kusina kanina.

_____________________________________

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now